Ikaw na ba ang susunod na 'Happiest Pinoy'? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ikaw na ba ang susunod na 'Happiest Pinoy'?

Karen Flores Layno,
ABS-CBN News
Published May 22, 2018 08:14 PM PHT
|
Updated May 22, 2018 08:37 PM PHT

MANILA – Nananatiling positibo ang pananaw ng maraming Pilipino sa kabila ng mga pagsubok sa buhay.

Patunay dito ang pinakahuling survey ng Gallup International ng Estados Unidos, kung saan ang mga Pilipino ay pangatlo sa pinakamasayang lahi sa buong mundo.

Kaya naman nagbabalik ang search for the Happiest Pinoy, isang kompetisyon na nagbibigay-parangal sa pinakamasayang Pilipino sa buong bansa.

Ayon kay Jean Henri Lhuillier, presidente at CEO ng PJ Lhuillier Group of Companies na organizer ng Happiest Pinoy, hinahanap nila ang isang indibidwal na magsisilbing inspirasyon na salubungin ang bawat araw ng may saya at pag-asa.

ADVERTISEMENT
“It’s someone with a great happy disposition,” ani Lhuillier. “And more than anything, it’s someone who can help change people’s lives for the better.”

“Happiness to me is making sure that you have a positive outlook… It’s important not only to be happy inside, but also show that you’re happy outside,” dagdag niya.

Mula sa 1,000 aplikante noong 2009, inaasahan nina Lhuillier na aabot sa kalahating milyon ang sasali sa ikaapat na edisyon ng Happiest Pinoy search.

Noong 2015, umani ng mahigit 280,000 entries ang kompetisyon. Hinirang na Happiest Pinoy si Richardson Navor, isang propesor at financial analyst.

Kahit na may cerebral palsy, nagpursige si Navor para umasenso sa buhay at makatulong sa kapwa niyang PWD o persons with disabilities.

“I think more than my story about my physical disability, I won because of my ability to be able to help others,” ani Navor na nagtayo ng PUSH, isang organisasyon para sa mga PWD.

“Part of my winnings even went to the organization. It really helped a lot… Two hundred wheelchairs, 200 crutches, that’s a lot for Metro Manila already.”

Ngayong taon, nagdagdag ang mga organizer ng sampung kategorya sa Happiest Pinoy search upang kumatawan sa mga kabataan, senior citizen, OFW o overseas Filipino worker, kawani ng pamahalaan, manggagawa, PWD, negosyante, propesyonal tulad ng mga doktor at abogado, empleyado, at mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, and queer) community.

Bawat isa sa mga kinatawan ay bibigyan ng P50,000. Mula rito ay pipiliin ang Happiest Pinoy winner na mag-uuwi naman ng P1 milyon.

Bitbit din niya ang karangalan na maging isang simbolo ng pag-asa sa mga Pilipino, ayon kay Navor.

“More than just a recognition, it’s actually a continuous reminder that you need to be an inspiration to others… More than ever, you need to be an epitome of optimism, that whatever challenges they are facing, they can surpass it,” aniya.

Maaaring mag-apply para sa Happiest Pinoy search sa pamamagitan ng text, internet, o pagbisita sa branches ng Cebuana Lhuillier hanggang Mayo 2019. Para sa ibang detalye, mag-log on sa www.happiest-pinoy.com.