Alamin: Paunang lunas sa taong nabagok ang ulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Alamin: Paunang lunas sa taong nabagok ang ulo

Alamin: Paunang lunas sa taong nabagok ang ulo

ABS-CBN News

Clipboard

Kung makakita ng taong nabagok ang ulo at nawalan ng malay, ano nga ba ang dapat gawin?

Sa isang simulation ng aksidente sa programang Red Alert, ipinakita ni Atom Araullo, kasama ang emergency medical technician na si Gerard Natividad, kung ano ang mga dapat gawin kung magkaroon ng head injury ang isang tao.

Ang unang dapat gawin ay alamin kung may malay ang biktima.
Nahahati sa apat na klasipikasyon ang kamalayan ng isang biktima:

1. Alerto
Ang isang tao ay alerto kung gising ito at napapansin pa rin agad ang mga nangyayari sa paligid nito.

ADVERTISEMENT

2. Responds to verbal stimulus
Nagigising o sumasagot ang tao kapag may nagsasalita o nagtatanong.

3. Responds to painful stimulus
Nagigising o tumutugon ang tao kung sasaktan, gaya ng pagkurot.

4. Unresponsive, o talagang walang malay o reaksiyon ang biktima sa kahit anong tanong o madaramang sakit

Sa oras na nalaman na ang kamalayan ng biktima, i-check ang 'ABC':

A- Airway
Siguruhing walang nakahaharang sa paghinga nito. Tingnan kung tumataas-baba rin ang dibdib.

B- Breathing
Pakiramdaman kung humihinga ito at pakinggan kung may maririnig na tunog ng paglaguklok.

C- Circulation
Tingnan kung may pulso ito.

Dagdag na payo ng eksperto, importanteng palaging i-monitor ang paghinga ng pasyente. Agad ding tumawag ng ambulansiya para madala ang biktima sa pinakamalapit na ospital.

"Kahit hindi natin siya galawin, kung hindi naman siya nakakahinga, maaaring ikamatay din niya [iyon]," ani Natividad.

"Tumawag ka na ng ambulansya o puntahan mo 'yung mobile patrol, para orchestrated ang kilos. Mas efficient. Time is of the essence."

-- Ulat ni Atom Araullo, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.