ALAMIN: Ilang problema sa mata ng mga bata | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Ilang problema sa mata ng mga bata

ALAMIN: Ilang problema sa mata ng mga bata

ABS-CBN News

Clipboard

Kasama si Dr. Norman Fajardo ipapaliwanag nila Alvin Elchico at Bernadette Sembrano ang ilan kundisyon sa mata na maaring maranasan ng mga bata. Mula sa Salamat Dok Facebook page

Samu't-saring kundisyon sa mata ang posibleng makuha ng isang bata.

May ginhawa man ang dulot ng pagsusuot ng salamin, ang ibang sakit naman ay maaaring magdulot ng pagkabulag kung hindi kaagad aagapan.

Ang 11-taong gulang na si Sophie Maranan ay hirap magbasa at manood ng TV.

Nang maipasuri, lumalabas na may myopic astigmatism ang anak o near sightedness na namana umano ng bata sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT

"Worried ako, lalo na mata yan. Bata pa lang kailangan na magsalamin. Sabi ni doc, No. 1 it's genetic, nasa lahi. No. 2 yung lifestyle ng bata," kwento ng ina niya na si Irene.

Kung nearsightedness naging problema ni Maranan, kabaligtaran naman ito ng kundisyong dinadaanan ng walong buwang sanggol na si Zach.

Kahit baby pa, nagsusuot na rin ng salamin si Zach para ma-correct ang kundisyon. Ang kanyang kambal naman ay walang diperensiya sa mata.

"He was not focused on one thing. So comparing the two of them, we were wondering why there was the difference so that's why we decided to get a check-up," ayon sa ama ng kambal na si Eadmonn Dunne, isang Irish.

Banggit naman ng ina ng kambal, apat na buwan ang mga bata nang mapansin nila ang kakaibang ikinikilos ni Zach.

"Napansin namin na hindi po nakikipag eye contact si Zach. Nag-worry na kami pero advice naman ng mga pedia na baka magkaibang personality lang talaga sila," sabi niya.

Ayon sa sumuring doktor kay Zach, hindi nakaka-focus sa mga bagay na kanyang nakikita ang bata kaya naduduling.

Payo naman ni Dr. Norman Fajardo, pediatric opthalmologist ng Asian Eye Institute, na matutong alamin ang mga senyales ng problema sa mata.

"Dapat sa first month of age, aware sila sa surroundings pero hindi pa yung nakaka-fixate. Pero oras na deadma siya, then it's something to be worried about," sabi ni Dr. Fajardo sa Salamat Dok.

Bandang mga ikatlong buwan na ng baby makakatitig ito at makakasunod sa kanyang mga laruan.

"Being a premature baby, they are at high risk for eye problems in general," dagdag pa ni Fajardo.

Bukod sa near- at far-sightedness, ano pa ba ang mga kundisyong maaring magkaroon si baby?

"Ang baby pwedeng magkaroon ng cataract lalo na yung mga mothers na nagkaroon ng German Measles. During the first trimester, they are at high risk for congenital problems," sabi pa ni Fajardo.

May mga baby din na naipapanganak na may glaucoma at intra-ocular tumors.

"For the first 6 months of life, duling, banlag ok lang basta dumederetso...dapat mawala na yun after 6 months of age,” sabi niya.

Agad magpatingin sa eksperto kung may napapansing kakaiba sa mata o paningin ng inyong anak. Halimbawa dito ay kung patagilid kung tumingin o naka-squint, minsang duling, o banlag, o kapag may white pupil.

Mataas din ang posibilidad na magkaroon ng Retinopathy of Prematurity or ROP ang mga premature na baby.

"It can cause blindness kasi abnormal yung growth ng blood vessel sa mata," sabi ni Dr. Fajardo.

Para sa mga magulang, mahalagang mapatingnan kaagad ang bata upang mabilis na malaman at maagapan ang paglala ng kundisyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.