SWS: Mas maraming 'masasaya, nasisiyahan sa buhay,' nagsisimba kada linggo | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
SWS: Mas maraming 'masasaya, nasisiyahan sa buhay,' nagsisimba kada linggo

ABS-CBN News
Published Mar 28, 2018 07:49 PM PHT
|
Updated Jan 01, 2019 11:55 AM PHT

Mas nagsisimba o dumadalo sa lingguhang pagsamba ang mga Pilipinong masaya o nasisiyahan sa kanilang buhay, ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS).

Ayon sa survey, 48 porsiyento ng mga lingguhang nagsisimba o sumasamba ay iyong mga "very happy" o "talagang masaya" sa buhay; 44 porsiyento sa mga sumasamba kada linggo ang "medyo masaya" o "fairly happy," habang 38 porsiyento sa mga lingguhang nagsisimba o sumasamba ang "not very happy/not at all happy" o "hindi masyadong masaya, talagang hindi masaya."

Kung ikokompara, 40 porsiyento ng mga nagsabing kada buwan kung magsimba o sumamba ay "hindi masyadong masaya, talagang hindi masaya."

Halos kalahati naman o 49 porsiyento sa mga nagsisimba kada linggo ang "lubos na nasisiyahan" o "very satisfied" sa buhay na kanilang nararanasan; 43 porsiyento naman sa mga lingguhang sumasamba ang "fairly satisfied" o "medyo nasisiyahan" sa kanilang buhay.

ADVERTISEMENT
Mayroong hiwalay na survey na nailimbag ang SWS ukol sa antas ng saya at kasiyahan sa buhay ng mga Pilipino.

Halos lima naman sa kada 10 Pinoy o 46 porsiyento ng mga na-survey ang dumadalo sa religious service kada linggo; 34 porsiyento ang nagsisimba kada buwan, habang 19 porsiyento ang paminsan-minsan lang. Hindi naman nagsisimba ang 0.4 porsiyento ng mga na-survey.

Pumalo sa 75 porsiyento ang nagsabing napakahalaga ng relihiyon, habang 13 porsiyento ang nagsabing hindi ito importante.

Isinagawa ang SWS survey noong Disyembre 8-16 sa pamamagitan ng harapang pakikipanayam sa 1,200 respondent na edad 18 anyos pataas.

Mayroon itong sampling error margin na ±3% para sa national percentages.

Read More:
PatrolPH
Tagalog news
survey
pulso
relihiyon
religious service
nagsisimba
sumasamba
Social Weather Stations
SWS
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT