Bukal Falls, tampok na puntahan ngayong tag-araw | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bukal Falls, tampok na puntahan ngayong tag-araw

Mariz Laksamana,
ABS-CBN News
Published Mar 27, 2017 08:47 PM PHT

MAJAYJAY – Mahigit 3 oras na biyahe mula sa Lipa, Batangas ay mararating ang bayan ng Majayjay sa Laguna, kung saan matatagpuan ang ilan sa mga kilalang talon sa lalawigan, kabilang na ang Bukal Falls.

Bago makaabot sa mismong falls ay kailangang lumakad o sumakay ng kabayo sa 1-kilometrong sementadong daan.

Isa ito sa mga pinagkukunan ng kita ng mga residente sa lugar.

“Nakaka-P200 po. ‘Pag mahina po, pinakamababa po iyon, pero ‘pag malakas po nakaka-P1,200 isang araw,” ani Anthony Covar.

ADVERTISEMENT
Kasunod ay lalakarin ang natitira pang isa't kalahating kilometro papunta sa falls. Ang bahagi na ito ay mas challenging umano kaysa sa unang bahagi, dahil maraming palusong at paahon sa daan.

Kung nakalimutang magbaon ng tubig ay maaaring tikman ng mga bisita ang malamig na tubig mula mismo sa Mt. Banahaw.

Tinawag itong Bukal Falls dahil literal na nagmumula sa bukal ang tubig dito.

“Sa ilalim po nanggagaling [ang tubig], tulad nga po nung makikita po natin na wala pong nanggagaling po dun sa taas kundi dun lang po sa baba, umuuslit po sa ilalim ng tubig,” ani Librado Brosas, kapitan ng Barangay Bukal.

May ilan din nagsasabing mini version umano ng Enchanted River sa Surigao del Sur ang Bukal Falls.

Sa lalim na 15 feet, pwedeng mag-dive sa tubig ng falls. Ngunit ani mga opisyal ay kailangan pa ring mag-ingat, at panatilihin ang kagandahan at kalinisan ng lugar.

Sa ngayon ay day tour pa lang ang pinahihintulutan sa Bukal Falls. Nire-require din ang bawat grupong magsama ng tour guide papunta rito.