Mga katutubong kagamitan sa Palawan, bida sa heritage museum | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga katutubong kagamitan sa Palawan, bida sa heritage museum

Chinee Palatino,
ABS-CBN News
Published Mar 25, 2017 01:58 AM PHT

PUERTO PRINCESA CITY — Sakaling mapadpad sa Palawan, huwag kalimutang dumaan sa Palawan Heritage Musuem at tuklasin ang iba't ibang kahanga-hangang kagamitan ng mga katutubo sa lalawigan.

Ang mga sumusunod ay ilan sa makikita sa museo na gawa ng mga Katutubong Palaw'an.

Isa na dito ang Tingkep na siguradong matibay dahil gawa sa 10 indigenous materials.

Lalagyan ng mga pampalasa sa pagkain ang mga maliliit na Tingkep; ang malalaki naman ay sisidlan ng bigas.
Lalagyan ng mga pampalasa sa pagkain ang mga maliliit na Tingkep; ang malalaki naman ay sisidlan ng bigas.
ADVERTISEMENT
Mayroon din silang tradisyonal na backpack na kung tawagin ay Rarong — gawa sa rattan at may head strap pa. Lalagyan nila ito ng iba't ibang produkto mula sa kagubatan.

Ting Alep naman ang tawag sa lalagyan nila ng tabako, nganga o kaya ay bulak.

Mayroon din silang mga kwentas gawa sa buto ng iba't ibang halaman at pulseras na tinatawag nilang Galang, gawa sa clamshell.

May food storage din ng mga Katutubong Palaw'an — ang Balikbalik.

Mahusay rin sila sa paghabi at makikita sa mga banig ang kanilang galing.

Marami rin silang iba't ibang instrumentong pang-musika.

“Iyong mga gamit nila very intricate and very creative sila in terms of how they have created their own stuff . . . Talagang noon pa man mayroon na tayong talent in terms of creating new things," ani Uer Sy, isang turista galing Maynila.

Dagdag pa nito, moderno na ang panahon at high-tech na ang mga kagamitan pero importante pa rin daw na maging maalam sa talento at kagalingan ng mga katutubo upang maipagmalaki ang katutubong kultura ng bansa.