TINGNAN: Mga lumang simbahan sa Ilocos Norte na patok sa mga bisita | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TINGNAN: Mga lumang simbahan sa Ilocos Norte na patok sa mga bisita

ABS-CBN News
Published Mar 21, 2018 01:23 AM PHT

Ilan sa mga paboritong dayuhin ng mga deboto at turista sa Ilocos Norte ang mga simbahang itinayo noon pang panahon ng mga Kastila.

Isa rito ang higit 400 taon nang St. John the Baptist Church sa bayan ng Badoc.

Ito ang tahanan ng imahe ng La Virgen Milagrosa de Badoc na natagpuang palutang-lutang sa dagat sa boundary ng Badoc at Sinait, Ilocos Sur.

"With the influx of pilgrims na pumupunta dito, nakikita mo 'yong malalim na pananampalataya nila... Alam nilang maraming bendisyon at milagro [silang] matatanggap," sabi ng parish priest na si Fr. Freddie Astudillo.

ADVERTISEMENT
Sa Mayo 31 nakatakda ang canonical coronation sa La Virgen Milagrosa de Badoc, ang patron ng Ilocos Norte. Dito opisyal na kikilalanin ng Simbahang Katoliko, sa pamamagitan ng isang Papal bull at pagbibigay ng korona, ang isang imahen na pinapanataan sa isang lugar.

Buong taon ding dinadagsa ng turista ang St. Augustine Church sa Paoay, na kaisa-isang UNESCO World Heritage Site sa lalawigan.

Taong 1694 nang itayo ng mga paring Agustino ang simbahan na may istilo ng disenyong pinaghalong gothic, baroque, at oriental.

Mga paring Agustino rin ang nagtayo ng Immaculate Conception Church sa Batac City noong 1586 at San Nicolas De Tolentino sa bayan ng San Nicolas noong 1584.

Sa bayan ng Bacarra, na tinaguriang "Vatican town of the Philippines," matatagpuan ang St. Andrew the Apostle Church na itinayo naman noong 1593.

Natatangi ang kampanaryo ng simbahan dahil wala itong simboryo o bubungang hugis kalahating bilog. Giniba kasi ito ng lindol noong 1931 at 1983.

Sa tabi ng simbahan ay may museo at tunnel na dati ay daanan ng mga pari papunta sa altar ng simbahan.

"Until now tini-try nila i-develop ['yong tunnel] para mapuntahan ng mga turista or mapuntahan nila [iyong] loob, 'yong daanan," ani Marie Ann Martin, tourism staff sa Bacarra.

Makasaysayan ang Simbahan ng Sta. Monica sa Sarrat na itinayo noong 1779. Narito kasi ang pinakamahabang aisle umano sa lahat ng aisle ng simbahan sa bansa, sa habang 137 metro.

Mainam ding bisitahin ang St. Joseph Church sa bayan ng Dingras na binuksan noong 2014.

Higit dalawang dekada nang inaayos ang simbahan na nasira noong 1710.

Ibinalik ito sa dating hitsura at ang mga ikinakabit na ladrilyo ay galing mismo sa nasirang estruktura ng simbahan.

"Restoration is a work of love and it is a journey of faith for the people... The restoration is a manifestation of how God loves this place," anang parish priest na si Fr. Jojo Saturnino.

-- Ulat nina Denis Agcaoili at Rod Macenas, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
balita
turismo
debosyon
Semana Santa
Visita Iglesia
Ilocos Norte
Bandila Teleradyo
Rod Macenas
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT