Panalo 'to: Lodi na kaboses ni Karen Carpenter | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panalo 'to: Lodi na kaboses ni Karen Carpenter

Panalo 'to: Lodi na kaboses ni Karen Carpenter

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Kasing-boses ni Karen Carpenter ang pambatong singer ng mga taga-Malalag, Davao Del Sur pagdating sa kantahan.

Sa kabila ng pagiging viral, malaking palaisipan kung ano nga ba ang kasarian ng mang-aawit na may ginintuang boses.

"Kadalasan, napagkakamalan akong tomboy. Hindi nila alam ang totoo, na bakla ako," sabi ng ala-Karen Carpenter na si Rey "Yong" Yting.

Pang-apat sa 10 magkakapatid si Yting.

ADVERTISEMENT

Ipinanganak siyang lalaki, pero ipinagtaka ng kaniyang ina kung bakit habang tumatanda si Yting ay tila nagkakaroon siya ng mga pisikal na katangiang pambabae tulad ng paglaki ng dibdib.

Naging tampulan si Yting ng pangungutya at panghuhusga.

Pero imbes na magpadala sa asaran, tinutukan na lang ni Yting ang pagtulong sa kaniyang pamilya.

Ulila na sa ama at bilang panganay na lalaki, buong tapang na pinasan ni Yting ang responsibilidad.

Sa kagustuhang makatulong sa ina, nagtrabaho si Yting bilang tagapag-alaga ng may sakit na kaniyang itinuring na tunay na kapamilya.

Dahil sa pag-aalaga sa haligi ng pamilya Malubay, tinustusan ng pamilya ang pag-aaral ni Yting bilang caregiver.

Edukasyon ang naisip ng pamilya Malubay na iregalo kay Yting.

Paraan ito ng kanilang pasasalamat sa pagmamahal at pag-alaga niya sa kanilang ama noong ito'y nabubuhay pa.

Tatlong buwan mula ngayon, magtatapos na si Yting.

Pero hirap pa rin siyang itawid ang pang-araw-araw na baon.

Dahil walang sobrang pera para magpatingin sa espesyalista, si Yting ay sinamahan ng grupo mula sa ABS-CBN News para matingnan ng doktor.

Ito ang unang pagkakataong malalaman ang tunay na kondisyon ni Yting.

"Hermaphroditism... it's very rare. There are different types, mayroong pseudo hermaphroditism: sa external lang, pero sa loob male talaga siya. Mayroon ding true hermaphroditism na dalawa talaga ang organs niya. So, sa case ni [Yting], hindi pa natin alam," ani Dr. Kathleen Kaye Lucera, isang government doctor sa Digos City.

Buong buhay ni Yting, puro tanong ang naririnig niya sa kung ano nga ba siya.

Pero para sa kaniya simple lang ang sagot -- anak siya na gagawin ang lahat para makatulong sa kaniyang pamilya.

Patuloy ang pagsusuri sa kalagayan ni Yting kung siya nga ba ay maituturing na hermaphrodite.

Balak din niyang ituloy ang pagkanta nang lalo pang mahasa ang kaniyang boses at maging ganap ding propesyonal na singer.

Pero ang higit niyang pinagtutuunan ng pansin ay ang pagtulong sa mga malilit pa niyang kapatid.

Dalangin ni Yting na sana'y matulungan din ang kaniyang mga kapatid para makapagtapos ng pag-aaral.

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.