Floating cottages sa Ilocos, patok sa mga turista | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Floating cottages sa Ilocos, patok sa mga turista

Floating cottages sa Ilocos, patok sa mga turista

Grace Alba,

ABS-CBN News

Clipboard

Kuha ng Ilocos Breezy

Dinadagsa ng mga turista at deboto ang dagat sa boundary ng Ilocos Norte at Ilocos Sur dahil sa mga chapel at floating cottages dito.

Matatagpuan sa gilid ng dagat ng Barangay La Virgen Milagrosa ang chapel ng patron ng Ilocos Norte na si La Virgen Milagrosa, habang sa Barangay Dadalaquiten naman ang chapel ni Santo Cristo Milagroso o mas kilala sa tawag ng mga taga-Sinait na Apo Lakay.

Itinayo ang dalawang chapel sa boundary dahil dito natagpuan ng mga mangingisda ang isang lumulutang na kahon na naglalaman ng imahe ni La Virgen Milagrosa at Santo Cristo Milagroso na galing Japan noong 1620.

Bukod sa mga chapel, patok din sa lugar ang mga floating cottage na yari sa kawayan at dayami na nakalutang gamit ang mga plastic drum.

ADVERTISEMENT

"Noon kasi, may isang residente na may fish cage. Ano kaya kung gumawa ako ng may silong, sabi niya. Nag-click 'yun hanggang sinimulan naming magparami," ani Sally Dinong, barangay chairman ng La Virgen Milagrosa.

Labing lima hanggang 20 tao ang kapasidad ng isang floating cottage.

P550 kada apat na oras ang renta at kung gustong mag-extend, P100 kada oras.

Mayroon ding mga inland cottage na P350 kada apat na oras, at P100 kada oras ng extension.

Para sa balikbayan na si Wilfredo Real, perfect for family bonding ang lugar dahil maliban sa malinis at kakaiba ang nga cottage ay malapit daw ang mga ito sa chapel kung saan pwedeng magnilay-nilay.

"Dito ako unang nakakita ng mga ganito. Maganda ang mga beach natin dito," aniya.

Istriktong binabantayan ang kaligtasan ng mga tao. May mga naka-standby na lifeguard at mga nakapaskil na emergency hotline numbers.

Hiling ng mga barangay official na panatilihing malinis ang lugar na inaasahang mas dadayuhin pa lalo na't papalapit na ang summer season.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.