Apo Whang-Od, maayos na ang kalusugan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Apo Whang-Od, maayos na ang kalusugan
Apo Whang-Od, maayos na ang kalusugan
Angelyn Valencia,
ABS-CBN News
Published Feb 13, 2017 07:46 PM PHT

Hanggang ngayon, kilala pa rin at lalong nagiging popular ang mababatok mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga na si Apo Whang-Od dahil sa kaniyang husay sa pagta-tattoo.

Isang oras ang lakaran patungo sa komunidad kung saan naroon si Apo Whang-Od.

Mas naging mahirap at matarik ang bundok na daraanan patungo sa lugar kung saan nagta-tattoo si Apo Whang-Od matapos ma-landslide ang dating daanan dahil sa Bagyong Lawin.

Pagdating sa komunidad, nakapila ang mga turista.

ADVERTISEMENT
Patuloy na dinarayo si Apo Whang-Od sa kabila ng mahirap at malayong daan para lamang makapagpa-kuha ng litrato at makapagpa-tattoo sa kaniya.

Nasa 40 hanggang 60 ang dumarayo kapag mga ordinaryong araw. Umaabot naman ng 200 ang nagpupunta tuwing weekend.

Ngunit mas lalo pa siyang dinayo nang kumalat ang balitang mayroong pneumonia si Apo Whang-Od.

Ayon naman sa tumingin sa kaniya, magaling na siya at nagkaroon lamang siya ng sakit ng ulo, ubo, at hindi normal na pagdumi. Nakakapag-tattoo pa rin naman daw siya.

Ayon kay Whang-Od,may pagkakataon daw na dire-diretso ang kaniyang ubo at makati ang lalamunan, ngunit sa ngayon, wala nang dapat ipag-alala dahil bumalik na ang kaniyang sigla at nakakapag-tattoo nang muli.

Para sa magkasintahang Brian at Yuniks mula Bataan, ang pagpapa-tattoo at pagdayo kay Whang-Od ay paraan nila ng pagdiriwang.

Ngayon pa lang, ipinamana na ni Whang sa kaniyang apong si Grace Palicas, 20, ang pambabatok.

"Importante kasi sa amin yung tradisyon namin. Hindi dapat mawala yun, " ani Grace.