Balisong academy sa Batangas, isinusulong | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Balisong academy sa Batangas, isinusulong

Balisong academy sa Batangas, isinusulong

Kevin Dinglasan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Feb 06, 2018 10:36 PM PHT

Clipboard

Unti-unti na umanong nawawala ang tradisyon ng paggawa ng balisong sa Taal, Batangas. Kevin Dinglasan, ABS-CBN News

Isinusulong sa Taal, Batangas ang isang balisong academy para masigurong maipagpapatuloy ang paggawa ng balisong sa bayan.

Mahigit 30 taon nang gumagawa ng balisong ang 42 anyos na si Joel Macdon.

Sa tagal niyang gumagawa ng balisong, hindi niya ito naipasa sa mga anak. Iba na raw ang nais gawin ng mga kabataan ngayon.

"Wala na. Paunti na kami nang paunti. Wala na kasing nag-aaral na mga kabataan ngayon; ang focus nila pag-aaral na. Ayaw na nilang gumawa ng laseta eh dahil matagal itong gawin,” aniya.

ADVERTISEMENT

Ganito rin ang komento ni Leo Rivera na may 27 taon nang nagtitinda ng balisong. Maayos naman daw ang kita sa pag-babalisong.

"Sa ngayon talaga lesser ang lumalabas na gumagawa ng balisong, kasi 'yung mga gumagawa ngayon ay siya pa ring dating mga gumagawa,” aniya.

Para raw masolusyunan ang problemang ito, isinusulong sa bayan ang isang balisong academy.

"Para ma-sustain natin at para maging maayos ang balisong at madagdagan pa. We're being funded by the DSWD and we are creating a balisong academy. Medyo may pagka-high tech na kaya ayaw nang gumawa ng mga bata ngayon,” ani Taal Mayor Fulgencio “Pong” Mercado.

Target daw ng programa ang mga kabataan, partikular ang mga out of school youth. Sisiguraduhin din daw ng lokal na pamahalaan na makakapag-aral din sa eskwelahan ang mga kasali sa pamamagitan ng kanilang scholarships.

Sa academy, ituturo ang iba't bang kasanayan at kaalaman tungkol sa paggawa ng balisong na tatak Taal. Mga lihitimong gumagawa ng balisong din daw ang siyang magtuturo sa mga mag-aaral.

“Siguro in a month or two meron na. Meron lang kaming liquidation na inaayos sa DSWD. After na mag-liquidate kami ng sustainable livelihood ay saka nila kami padadalhan ng pera para makapag-balisong academy tayo,” ani Mercado.

Mayroon umanong 13 tindahan ng balisong sa bayan.

Inaasahan naman ng lokal na pamahalaan, gayundin nina Joel at Leo, na sa pamamagitan ng ganitong mga hakbang ay maipagpapatuloy sa bayan ang paggawa ng balisong at nang may maabutan pang ganitong yaman ang susunod na henerasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.