ALAMIN: 'All-natural' na pampaganda ng mga kamay, kuko

ABS-CBN News

Posted at Jan 31 2018 04:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isa sa madalas na napapabayaang parte ng katawan ang kamay, na ginagamit araw-araw sa kung ano-anong mga gawain at trabaho.

Kaya't ngayong papalapit na ang Valentine's Day, kung kailan may posibilidad na maganap ang "holding hands" ng mga nag-iibigan, nagbigay ng tips si Aikee Ocampo, managing director ng Hope Hand and Foot Wellness na pag-aari ng aktres na si Liza Soberano.

Ayon kay Ocampo, ilan sa mga nakasisira sa kamay ay ang mga gawaing bahay tulad ng madalas na paghuhugas ng pinggan at paglalaba, na sanhi ng dryness, brittleness, at pagkasira ng mga kuko.

Bilang solusyon sa ganitong mga problema, nagbigay si Ocampo ng mga natural na pamamaraan upang maibalik sa dating lambot at tibay ang ating pagod na mga kamay.

Moisturizing

  • Asukal
  • Gata
  • Kalamansi

Paghaluhaluin ang lahat ng sangkap. Imasahe at ibabad sa kamay sa loob ng 10 minuto. Banlawan. 

Para ito sa pagpapalambot ng mga kamay.

Whitening

  • Fresh milk o powdered milk
  • Lemon o kalamansi juice
  • Baking soda

Paghaluhaluin ang lahat ng sangkap. Imasahe sa kamay. Ibalot ang kamay sa cling wrap sa loob ng sampung minuto. Banlawan. 

Para ito sa pagpapaputi ng mga kamay.

Strengthening

  • Coconut oil
  • Sariwang bawang

Paghaluhaluin ang lahat ng sangkap. I-dip ang mga kuko sa loob ng limang minuto. Maaari ring alternatibo ang orange juice.

Para ito sa pagpapatibay ng mga kuko.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.