Bakit hindi dapat inaalis ang buhok sa ilong? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit hindi dapat inaalis ang buhok sa ilong?

Bakit hindi dapat inaalis ang buhok sa ilong?

ABS-CBN News

Clipboard

Nagpayo ang isang doktor ukol sa pag-iwas na alisin ang buhok sa ilong.

Ipinaliwanag ni Dr. Gil Vicente, isang head and neck surgeon, ang mahalagang papel na ginagampanan ng buhok sa ilong.

"As much as possible, huwag nating gugupitin 'yong mga buhok sa ilong kasi proteksiyon natin 'yon," ani Vicente sa panayam sa programang "Dra. Bles @ Ur Serbis" sa DZMM.

Aniya, sinasala kasi ng buhok sa ilong ang ilang dumi mula sa hanging nalalanghap ng tao.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Vicente, puwede namang bawasan ang bahagi ng buhok kung ito'y umusli na sa labas ng ilong.

Pero hangga't maaari, huwag nang hilahin o alisin ang mga buhok sa loob mismo ng ilong dahil puwede itong magdulot ng impeksiyon.

"Huwag din 'yong tinatanggal ng iba ng tiyani, kasi that will be dangerous, kasi minsan nagkakaroon ng infection," sabi ni Vicente.

Inirerekomenda naman ni Vicente ang paglilinis ng loob ng ilong sa pamamagitan ng pagpapadaloy ng tubig.

"Mayroon tayong tinatawag na nasal douching, nasal washing. Isa kong advocacy ito na kailangan nililinis natin ang ilong," aniya. "We breathe practically 30,000 times a day... Lalo na kapag polluted ang ating environment, maraming particles doon kaya dapat nalilinisan natin ang ilong."

Dagdag niya, mainam ang paggamit ng hiringgilyang tinanggalan ng karayom para padaluyin sa looban ng ilong ang tubig na may asin.

"Isang basong tubig, lagyan ng 1/3 teaspoon ng rock salt, haluin, at iyon ang gamitin," payo ni Vicente.

Kapag naman magtatanggal ng namuong dumi sa ilong, puwedeng gumamit ng medyo basang panyo o kaya'y cotton buds.

SINUSITIS

Sakaling paulit-ulit nang nararamdaman na tila may nakabara sa ilong, mainam na magpatingin na sa espesyalista para matukoy kung may sinusitis ang pasyente.

"Ang sinusitis ay isang infection sa ating sinuses," paliwanag ng doktor. "Dapat 'yong sinuses natin, mayroong daanan dapat 'yan sa ilong, pero 'yong daanan nito, namamaga... Hindi nakakalabas 'yong secretions diyan, hindi maganda 'yong daloy."

Karaniwang nireresetahan ng antibiotic ang sinusitis lalo na kung may iba nang kulay o yellowish at greenish discharge mula sa ilong.

Kapag kasi hindi natugunan ang sinusitis, maaari itong mauwi sa pananakit ng ulo o kaya'y pagbaho ng hininga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.