Single mom na OFW sa Saudi, nagpapasaklolo | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
![dpo-dps-seal](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/Seal_Image_OD.png)
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Single mom na OFW sa Saudi, nagpapasaklolo

Ker Oliva,
ABS-CBN News
Published Mar 10, 2016 05:30 PM PHT
|
Updated Mar 11, 2016 11:08 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
Isang OFW sa Saudi ang humihingi ng saklolo matapos diumano hindi pasuwelduhin ng limang buwan ng kanyang amo.

Sa video na ipinadala ng biktimang si Lhennyrisa Catahan, nanawagan ito na kung maaari ay makaalis na siya sa poder ng amo.

Ayon kay Liza Payumo, kapatid ng biktima, anim ang anak ni Lhennyrisa at wala itong asawa.

Dati rati ay naninilbihan ang kapatid sa kanyang kainan, ngunit, upang masuportahan ang pamilya, Pebrero 2015 ay lumipad ito patungong Saudi.

Kuwento pa ni Payumo, minsan nang tumawag ang kapatid niya at idinaing na inaabot siya ng madaling araw sa pagtatrabaho at halos wala nang pahinga.

Hindi rin umano siya pinakakain, bagkus ay tubig lamang ang ibinibigay.

Lumuha rin ito dahil malaki umano ang ipinayat ng kapatid.

Sa pagdulog ng 'Aksyon Ngayon' kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Charles Jose, sinabi nito na kailangang ipaalam sa embahada ang lagay ni Catahan upang kanilang matugunan.

Oras na maabisuhan ang embahada, tatawagan nito ang employer at tutunguhin ang bahay kung saan namamasukan ang biktima at kung makita na kinakailangang maibalik sa Pilipinas, tutulong ang embahada.

Hiningi rin nito na sumadya sa DFA ang kamag-anak sa Pilipinas para makapagbigay pa ng mga detalye.

Kumikilos naman ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mapabilis ang pagpapabalik sa bansa kay Catahan.

Ayon sa OWWA Advocacy and Special Marketing Division head, kanselado na ang lisensya ng ahensyang nagpadala kay Catahan, ngunit patuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng OWWA sa mga ahensya roon.

Nangako naman ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng tulong sa aspektong legal oras na makauwi na si Catahan. -- Ker Oliva, ABS-CBN News

Patrol ng Pilipino: Fil-Ams, nakilahok sa LA Pride March
Patrol ng Pilipino: Fil-Ams, nakilahok sa LA Pride March
ABS-CBN News
Published Jun 19, 2023 07:03 PM PHT
|
Updated Oct 29, 2024 11:55 AM PHT
![Clipboard](https://od2-image-api.abs-cbn.com/prod/ClipboardNews.png)
MAYNILA — Iwinagayway ng LGBTQIA+ community ang kanilang bandera kasama ang mga tagasuporta sa ginanap na Pride March sa Hollywood Boulevard, Los Angeles, California noong Hunyo 11.

Sa dalawang magkasunod na taon, pinangunahan ng Pilipino American Los Angeles Democrats (PALAD) ang pakikiisa ng mga Filipino-American sa selebrasyon ng Pride sa Los Angeles—isa sa mga pinaka-diverse na komunidad sa Amerika.

Ayon sa isang organizer, kahit boluntaryong makilahok sa Pride March, natutuwa silang marami pa ring nakikibahagi sa laban nila.

Pinapanawagan ng taunang selebrasyon ang pagkakapantay-pantay, pagsulong ng mga karapatan, at pagbibigay-boses sa LGBTQIA+ community.

– Ulat ni Steve Angeles, Patrol ng Pilipino
Read More:
Patrol ng Pilipino
Steve Angeles
Pride 2023
Pride Month
Pride March
LGBTQIA+
Filipino-American
SOGIE
TFC News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT