Pagte-text habang nagmamaneho: Kailan ka maaaring hulihin? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagte-text habang nagmamaneho: Kailan ka maaaring hulihin?

Pagte-text habang nagmamaneho: Kailan ka maaaring hulihin?

ABS-CBN News

Clipboard

Sa bisa ng "Anti-Distracted Driving Act," bawal nang gumamit ng cellular phones ang mga nagmamaneho saan man sa bansa, ngunit simula kailan ka maaaring mahuli kung lalabag ka rito?

Ayon sa implementing rules and regulations na inilabas ng Department of Transportation noong ika-3 ng Mayo, magiging epektibo ang mga patakarang nakalahad 15 araw matapos ang pagkakalathala.

Ibig sabihin, mula ika-18 ng Mayo, maaari ka nang mahuli kung lalabag sa batas.

Hindi maaaring gawin ng mga motorista ang mga sumusunod habang umaandar ang sasakyan o kahit pa nakahinto sa stoplight o intersection:

ADVERTISEMENT

- gamitin ang "mobile communication device" para magsulat, magpadala, o magbasa ng text-based communication; para tumawag or sumagot ng tawag; o anumang katulad na gawain;

- gamitin ang "electronic entertainment or computing device" para makapaglaro, manood ng pelikula, mag-internet, magsulat ng mensahe, magbasa ng e-book, mag-kalkula, o anumang katulad na gawain.

Ang mga sasakyang pang-agrikultura, gaya ng traktora, o mga gamit sa construction, gaya ng bulldozers o crane, ay sakop ng mga nasabing pagbabawal kung dumadaan ito sa mga pampublikong daanan.

Sakop rin ng mga pagbabawal ang mga sasakyang tinutulak o hinihila ng tao o hayop, gaya ng bisikleta o kariton.

Hindi kasali sa mga probisyong ito ang mga motorista na tumatawag para sa emergency. Maaaring ito ay tawag sa mga awtoridad tungkol sa krimen o natural calamity, tawag sa mga "medical practitioner" para sa medikal na dahilan, tawag sa fire department o volunteers tungkol sa sunog, o iba pang mga emergency na nangangailangan ng agarang atensyon para mailigtas ang buhay o ari-arian sa lalong madaling panahon.

Hindi rin kasali ang mga nagmamaneho ng mga emergency vehicle o pribadong sasakyang rumeresponde sa emergency.

Sakali namang ang pakikipag-usap ay ginagawa "hands-free"at ang device ay wala naman sa linya ng paningin ng nagmamaneho, hindi ito ituturing na paglabag sa batas.

Papatawan ng multang P5,000 ang lalabag sa batas na ito sa unang beses; P10,000 sa ikalawang beses; P15,000 at pagkaka-suspinde ng lisensya ng tatlong buwan sa ikatlong beses; at P20,000 at pagkakawalang-bisa ng lisensya sa ika-apat at susunod pang beses.

Ituturing namang may pananagutan rin ang may-ari o operator ng sasakyang mahuhuling lalabag, liban na lang kung mapapatunayan niyang hindi siya nagkulang sa pangangasiwa sa nahuli.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.