Balikan: Mga pelikula, serye na tampok si Dick Israel

MANILA -- Kinilala bilang isa sa pinakamagaling na kontrabida sa mundo ng pinilakang tabing ang aktor na si Dick Israel o Israel Ricardo Michaca sa totoong buhay.

Pumanaw si Israel nito lamang Martes ng gabi sa edad na 68.

Anak ng isang direktor, bata pa lang si Israel ng pasukin niya ang mundo ng pelikula. 

Nagsimulang magpakitang gilas si Israel bilang aktor sa una niyang pelikula na "I Love You Honey," na bida ang sikat na tambalan nila Vilma Santos at Edgar Mortiz. 

Dahil sa paghina ng action films, napilitan na din si Israel na pasukin ang mundo ng telebisyon. 

Pagkalipas ng ilang dekada sa mundo ng showbiz, nagulat ang lahat ng mapabalita ang paghingi ng tulong ng aktor matapos siyang maging biktima ng sunog na naganap sa Caloocan City nito lamang Hulyo. 

Balikan natin ang ilan sa mga proyektong tampok si Dick Israel sa pelikula at telebisyon.



Share your views