Joyce Bernal nagbigay ng ilang detalye sa pelikula nina Sarah, James

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 11:07 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA – Bagong tambalan na aabangan sa 2018. Ito ang pagsasama nina Sarah Geronimo at James Reid sa pelikulang “Miss Granny” na bibigyang direksyon ni Joyce Bernal.

Sa pakikipag-usap ni direk Joyce sa ABS-CBN News, nagbigay siya ng update sa unang apat na araw ng kanilang shooting.

“Naka four days na kami. Dirediretso naman. And then January, ratsada na kami ng ‘Miss Granny,” aniya.

Dahil bagong magkapareha sina Sarah at James, nagkaroon ng pag-a-adjust ang dalawa sa isa't isa.

“Exciting! Ewan ko ba sa kanilang dalawa kung paano nila gagawin 'yun. Isa pa lang 'yung eksena nila,” sabi ni direk Joyce.

Kung magkakaroon ng kissing scene sina Sarah at James, ito ang naging sagot ng direktor.

“Meron (laughs) pero hindi ko alam kung kanino sa -- kasi tatlong lalaki. Tatlong lalaki 'yun,” sambit niya.

Isa ang “Miss Granny” sa malalaking pelikula na dapat abangan sa darating na taon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.