Loisa at Ronnie, naiyak sa mensahe ng kanilang pamilya

ABS-CBN News

Posted at Dec 25 2017 08:29 PM

Hindi napigilang maluha nina Loisa Andalio at Ronnie Alonte nang marinig at mabasa ang mensahe ng kanilang mga pamilya.

Sa episode ng "Magandang Buhay" nitong Lunes, araw ng Pasko, nagbigay ng mensahe para kay Ronnie ang kanyang Kuya Greggy, ang kanyang tatay at iba pang mga kapatid.

Ayon kay Ronnie, masaya siyang makitang masaya ang kanyang pamilya.

"Simula noong nag-artista ako, natulungungan ko sila," aniya.

Naluha rin si Loisa habang binabasa ang sulat para sa kanya ng kanyang ina.

Nagbigay rin ng mensahe ang aktres sa kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita.

"Pa, maraming, maraming salamat po sa lahat. Mahal na mahal ko po kayo. Miss ko po kayo," ani Loisa.

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.