Rico J. Puno, pinarangalan sa 'ASAP' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rico J. Puno, pinarangalan sa 'ASAP'

Rico J. Puno, pinarangalan sa 'ASAP'

ABS-CBN News

Clipboard

Pinarangalan nitong Linggo sa programang "ASAP" si Rico J. Puno, isa sa mga tanyag na mang-aawit at personalidad ng original Filipino music (OPM).

Watch more in iWantv or TFC.tv

Sa Disyembre nakatakdang ipagdiwang ni Puno ang kaniyang ika-40 taon sa show business.

Sa kaniyang mensahe, hinikayat ni Puno ang mga manonood na patuloy tangkilikin ang OPM.

"Ang OPM nakatayo na talaga, hindi na puwedeng mabuwag ... sana'y matanim sa puso niyo ang magagandang mensahe ng musikang Pilipino," aniya.

ADVERTISEMENT

Inawit ng ilang Kapamilya singers ang mga popular na kanta ni Puno.

Naktambal ni Gary Valenciano si Puno sa pag-awit ng "Lupa."

Inilarawan ni Valenciano si Puno bilang "true music icon na nagsilbing inspirasyon para sa karamihan."

Sina Jay-R at Toni Gonzaga naman ang umawit ng "Sorry Na Pwede Ba," na sinundan ng pag-awit nina Ogie Alcasid at Randy Santiago ng "Macho Gwapito."

Pinakilig nina Richard Poon at Piolo Pascual ang ilang manonood sa kanilang pag-awit ng "Cartada Dies."

"Kapalaran" naman ang napiling awitin nina Hajji Alejandro at Kyla.

Ang "May Bukas Pa," ang pinakasikat na awit ni Puno, ang nagsilbing panimula at panghuling awitin para sa tribute performance.

Matatandaang ginawang serye ng ABS-CBN ang "May Bukas Pa" noong 2009 na pinagbidahan ni Zaijan Jaranilla.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.