Luis, ano ang ikinairita sa Japan trip kasama si Jessy? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Luis, ano ang ikinairita sa Japan trip kasama si Jessy?

Luis, ano ang ikinairita sa Japan trip kasama si Jessy?

ABS-CBN News

Clipboard

Namasyal, nag-relax, at nag-bonding sina Luis Manzano at Jessy Mendiola sa Japan bago sumabak muli sa trabaho.

“We were able to take a well-deserved breather na nagpalusog obviously sa ’kin,” pabirong kuwento ni Manzano.

Aminado si Manzano na nadagdagan siya ng timbang pero 'worth it' pa rin, lalo't marami silang na-discover ni Mendiola sa isa't isa.

Ikinuwento rin niya kung ano ang medyo ikinairita niya sa kanilang masayang bakasyon.

ADVERTISEMENT

“Siya [Jessy] kayang-kaya niyang maglakad nang sobrang layo. Ako talaga naiirita ako [maglakad nang sobrang layo]. 'Yon lang. It’s not because napapagod ako, for some reason ‘kapag naglakad ako kahit na medyo malamig, I start sweating,” kuwento niya.

A post shared by Luis Manzano (@luckymanzano) on

Kung mula Japan si Manzano, biyaheng Hong Kong naman ang ina niyang si Congresswoman Vilma Santos na magdiriwang ng kaarawan ngayong Biyernes.

“Mayr’on na siyang lahat so this time problema naman ang ibibigay ko sa kaniya," biro ng aktor. "She always prefers something special. Nothing expensive, nothing ganiyan, so something special from the heart,” ani Manzano.

Sa career naman ni Manzano, marami na siyang game shows na na-host.

Pero naisip niya na i-revive ang original game show na "Game Ka Na Ba," kung saan naging host ang ama niyang si Edu Manzano.

“Ang daming nagsasabi, ‘Game Ka Na Ba’? Gusto nila daw kahit papaano i-take over ko ang ‘Game Ka Na Ba’ so we’ll see what the management has in store.”

Pero sa ngayon, nakatuon muna ang pansin ni Manzano sa "I Can See Your Voice," na inaabangan tuwing weekend.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.