Dating asawa ni Isabel Granada, dumating na sa Doha

Maxxy Santiago, ABS-CBN Middle East News Bureau

Posted at Oct 31 2017 06:08 PM | Updated as of Oct 31 2017 07:03 PM

Dumating sa Doha, Qatar Martes ng madaling araw ang dating asawa ng aktres na si Isabel Granada na si Jericho Aguas.

Sinalubong siya sa airport nina Vice Consul Benjamin Celedio at Labor Attache David Des Dicang. 

Mula airport, dumiretso siya sa ospital para makita agad si Isabel na unconscious pa rin sa Hamad General Hospital mula nang isugod siya roon nong nakaraang linggo matapos mag collapse dulot ng brain hemorrhage.

Nanatiling stable ang vital signs ni Isabel. Sa ngayon, hinihintay ni Jericho ang mga doktor ni Isabel para malaman ang tunay na kalagayan ng dating asawa. Nasa ospital rin ang nanay ni Isabel na si Mommy Guapa at ang anak nila ni Jericho na si Hubert.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.