Walang kupas! Vilma, muling ipinakita ang galing sa pagsayaw

ABS-CBN News

Posted at Oct 27 2017 11:17 AM

MANILA -- Walang kupas. Ito ang ipinakita ni Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang pagsayaw nitong Biyernes sa "Magandang Buhay."

Kasama sina Jason at Joshua Zamora ng grupong Manoeuvres, pinahanga ni Vilma ang mga manonood sa pagsayaw niya sa saliw ng awiting "Beautiful Life."

Ani Vilma, pagsasayaw ng Zumba at Tae Bo ang kanyang ginagawa para mapanatiling malusog ang kanyang pangangatawan.

"'Yan ang exercise ko. Then after that, I do the Tae Bo. That's why it's so hard to be 35 and gorgeous," pabirong hirit pa ni Vilma na nakatakdang magdiwang ng kanyang kaarawan sa Nobyembre 3.

Matatandaang maliban sa pagiging magaling na aktres, kilala rin si Vilma sa galing niya sa pagsayaw na ipinakita niya noon sa kanyang sariling variety show. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.