Pagiging 'natural' ni Jessy Mendiola, hinangaan ni Vilma Santos | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagiging 'natural' ni Jessy Mendiola, hinangaan ni Vilma Santos

Pagiging 'natural' ni Jessy Mendiola, hinangaan ni Vilma Santos

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Ang pagiging natural ang hinangaan ni Star for All Seasons Vilma Santos kay Jessy Mendiola, nobya ng panganay niyang anak na si Luis "Lucky" Manzano.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, iginiit ni Vilma na hindi siya nakikialam sa buhay pag-ibig ng anak.

"Hindi po ako nakikialam sa love life ng anak ko. Nagkataon lang na because of our foundation as a family, kapag mayroon siyang gustong dalhin at ipakilala sa pamilya, hindi puwedeng hindi niya dadalhin at ipapakilala sa pamilya," ani Vilma.

"Hindi dahil sa gusto kong makialam. My God, Lucky is mature enough to decide for himself, hindi ba? Ano pa ako para pakialaman [siya]? I don't want to meddle, I don't want to impose," dagdag ng batikang aktres.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Vilma, dala rin marahil na bata pa si Jessy kung kaya't kaswal at natural itong makitungo, bagay na kanyang nagustuhan.

"I find Jessy very nice. She's so casual kasi maybe because she's young... Casual, wala siyang inhibitions. Kung ano ang gusto niyang gawin, 'yun ang gagawin niya... And for that I appreciate Jessy. Kasi kapag nasa bahay ka na, dapat natural ka na," ani Vilma.

Bumisita si Vilma sa "Magandang Buhay" para ipagdiwang ang kanyang nalalapit na kaarawan sa Nobyembre 3.

Sa programa, ibinahagi rin ni Vilma ang buhay niya bilang ina sa kanyang dalawang anak na lalaki na sina Luis at Christian Ryan.

Ayon kay Vilma, sa makabagong panahon, natutunan niya na mas maging bukas sa pagbabago bilang magulang.

"Ako kung pag-iisipan natin ngayon, puwede kong ituring ang sarili ko na liberated mom. 'Yung ayaw ko na ginagawa sa akin ng mama ko noon parang ina-adjust ko sa mga anak ko ngayon... Ako, sa kanila, I'm more of a friend, pero there are times na nanay ako especially pagdating sa edukasyon," ani Vilma.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.