Isabel Granada, nasa kritikal na kondisyon sa Qatar | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Isabel Granada, nasa kritikal na kondisyon sa Qatar

ABS-CBN News
Published Oct 25, 2017 03:38 PM PHT

MANILA -- Humingi ng dasal para sa aktres na si Isabel Granada ang kanyang asawa matapos itong isugod sa ospital sa Doha, Qatar.
Sa opisyal na pahayag ni Arnel Cowley nitong Miyerkoles, inamin nitong nasa kritikal na kondisyon ang kanyang asawa.

"To all family and friends, please pray for my wife Isabel Granada who is in ICU at Doha, Qatar in a critical condition. She suffered from a brain haemorrhage which indicates aneurism and in turn affected her heart. She collapsed suddenly without warning yesterday afternoon and is still not responding," pahayag ni Arnel sa isang statement na ibinihagi ng ka-love team ni Isabel noon na si Chuckie Dreyfus.

"I have released this statement to end inaccurate speculations during this hard time for myself and the rest of the family and I would also like to thank the people that’s supporting me here in Doha," dagdag ni Arnel.

Isinugod si Isabel sa ospital matapos siyang mag-collapse kahapon habang ginaganap ang isang fan meet-and-greet sa isang architecture and design office sa Doha.

Base sa impormasyong nakalap ng ABS-CBN Middle East Bureau, mga bandang 2:30 Martes ng hapon sa Qatar o 7:30 p.m. Manila time nang mag-collapse si Isabel.

Agad siyang isinugod sa emergency department ng Hamad Hospital.

Ayon naman sa ina ni Isabel, nakatakda raw sumailalim ang aktres sa isang operasyon sa lalong madaling panahon.

Nasa Qatar si Isabel bilang isa sa mga panauhin sa Philippine Trade and Tourism Conference sa Qatar na ginanap noong Biyernes. – with report from Mario Dumaual, ABS-CBN News