Rebyu: 7 rason bakit kailangan mong mapanood ang 'Seven Sundays' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rebyu: 7 rason bakit kailangan mong mapanood ang 'Seven Sundays'

Rebyu: 7 rason bakit kailangan mong mapanood ang 'Seven Sundays'

Dominic Palcon Hernandez

Clipboard

Una, ito ay kwento ng isang pamilya, hindi ng isang perpektong pamilya, kundi ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino na dumaan sa mga pagsubok sa buhay sa larangan man ng pera, pagsasama at pagkakabuklod.

Pangalawa, ang pelikulang ito ay ginawa hindi sa pamamagitan ng imahinasyon kundi ng puso. Pinagtatagpi-tagpi ang bawat eksena, kwento at linya ng pag-ibig at pagmamahal.

Pangatlo, ang pelikulang ito ang magpapaalala sa atin na sa kahit anong mangyari sa ating buhay, masama man o mabuti, may mga taong laging nandyan para sa atin para sumuporta at akayin tayo pabalik. Minsan kailangan lang natin lumingon at hanapin pabalik ang ating puso -- ang ating pamilya.

Pang-apat, de kalibre ang mga aktor at aktres na nagsipagganap sa pelikulang ito, walang itulak kabigin, walang patapon. Pinili at itinadhana ang bawat aktor sa kanilang nakuhang pagganap. Magmula sa batikang si Ronaldo Valdez hanggang kay Ketchup Eusebio, madadala ka sa emosyon at kukurutin nila ang iyong puso.

ADVERTISEMENT

Pang lima, ito ang pelikulang paghahaluin ang iyong luha at tawa. Tumatawa ka habang lumuluha o di naman lumuluha ka habang tumatawa.

Pang-anim, tinatalakay ng pelikulang ito ang sitwasyong ng isang pamilya, hindi sugar-coated, kundi mga sitwasyong totoong nangyayari at mangyayari sa isang pagsasamahan. Mula sa simpleng sorbetes hanggang sa pansit, lahat sila may kwento.

Pang-pito, para sa kantang "Totoy Bibo" at pagsayaw ni Aga Muhlach at Dingdong Dantes sa huli. Para din sa tissue at panyo na binasa ng maalat na luha at pinatamis ng halakhak.

Maraming pang rason para panoorin ang pelikulang ito. Kaya 'wag mo itong palagpasin! Alam ko yayakapin mo ang pamilya mo pag-uwi matapos mong mapanood ang pelikulang ito.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.