'Gigil Kid,' pinaiyak si Vice Ganda

ABS-CBN News

Posted at Oct 09 2017 01:38 AM


Napaiyak ang komedyanteng si Vice Ganda sa mensahe ng batang si Carlo Mendoza para sa kanyang ina.

Kilala si Carlo bilang si "gigil kid" dahil sa kanyang videong nag-viral sa social media. 

Sa kabila ng kanyang pagiging makulit, isang mapagmahal na anak si Carlo. Ayon sa kanya, mahal na mahal niya ang kanyang ina kahit na hindi na nila ito kasama.

Bukod sa pagkakaroon ng bagong bike, kasama na rin si Carlo sa pelikula ni Vice.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.