Nash Aguas, naging bukas sa paghihiwalay ng magulang | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Nash Aguas, naging bukas sa paghihiwalay ng magulang

ABS-CBN News
Published Sep 20, 2017 11:56 AM PHT

MANILA -- Inamin ng aktor na si Nash Aguas na halos dalawang taon nang hiwalay ang kanyang mga magulang.

Sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, naging bukas si Nash sa masakit na karanasan na hinarap ng kanilang pamilya.

"Grabe po noong una, kasi sobrang nasaktan ako. Kasi para sa akin 'yung pinaka-main na gusto ko ay siyempre perfect family, 'yung buo talaga. Parang 'yun ang pinanghahawakan ko," ani Nash.

"So noong nag-aaway sila, sinasabi ko na kung kaya nating ayusin, ayusin natin, pinipilit ko. Na-realize ko na unfair sa kanila kung ipipilit ko. Until unti-unti natanggap ko," dagdag ng binata.

Ayon naman sa lola ni Nash na si Carmencita Victoriano, nakatulong sa kanyang apo ang pagiging malapit nito sa Diyos.

"Siyempre gina-guide namin siya at lahat ng magagandang advice na kailangan. Nakatulong din 'yung pagsisimba niya, 'yung kasama niya 'yung mga pastor na naga-advise sa kanya, so doon nakaya niya," ani Lola Carmencita.
Pag-amin ni Nash, ang pagtawag niya sa Diyos ang naging dahilan para matanggap niya ang nangyari sa kanilang pamilya.

"Noong una po kasi medyo parang nalayo ako. Kasi nung bata ako lagi akong nagchi-church, 'di ko mapigilan, 'bakit ganoon, bakit ganyan?' Pero noong sinimulan kong i-rebuild ang relationship ko with Lord at nagchi-church na rin ako lagi, doon 'yung naliwanagan na rin ako at na-realize ko na kung hindi sila naghiwalay, 'di nangyari 'yon eh baka katulad na rin ako ng ibang kabataan na parang puma-party gala-gala at walang sense of responsibility. Kasi kinailangan kong mag-step up para sa mommy ko at sa kapatid ko na parang tumayong father figure sa nakakabata kong kapatid," ani Nash.

Sa ngayon ay parte si Nash ng seryeng "The Good Son" na ipapalabas simula sa Lunes, September 25, pagkatapos ng "La Luna Sangre."