Luis Manzano, may sagot sa hiling na apo ni Vilma Santos

ABS-CBN News

Posted at Sep 13 2017 06:33 PM

Tuloy ang magandang takbo ng love life ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Pag-amin ni Luis, hinihingan na siya ng apo ng kaniyang inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto.

Pero aniya, may mga plano pa sila ni Jessy.

"Hindi ako nape-pressure kasi ako gusto ko na rin naman. I'm hoping din naman sooner or later pero I have to give respect din sa timeline ng iyong partner," ani Manzano.

Looking forward man siya, hiling niya na maabot muna ni Mendiola ang kaniyang mga pangarap sa buhay bago ikasal.

Ipinagtanggol din ni Luis ang kaibigang si John Lloyd Cruz matapos nag-viral ang video kung saan sinasabing lasing ang aktor. 

"That video does not define who John Lloyd Cruz is, as a man, as an actor. People kasi gusto lang nila manghusga..."

Samantala, excited na si Luis na maging host ng bagong local franchise ng "I Can See Your Voice," isang hit mystery music game show sa Korea.

Sasamahan si Luis ng 'sing-vestigators' na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Wacky Kiray at Andrew E na tutulong na gabayan at guluhin ang guest star sa bawat episode.

Mapapanood ito simula Setyembre 16.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.