Ejay, sinimulan na ang paghahanap sa tunay na ama | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ejay, sinimulan na ang paghahanap sa tunay na ama

ABS-CBN News
Published Sep 06, 2017 12:22 PM PHT
|
Updated Sep 06, 2017 01:18 PM PHT

MANILA -- Sinimulan nang hanapin ni Ejay Falcon ang kanyang tunay na ama.

Inihayag ni Ejay sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles na may mga tao na siyang kinakausap para makilala ang kanyang ama na isang Pranses.

"Ready na ako (makilala siya)" ani Ejay. "Noong pumunta ako two years ago para sa TFC, feeling mo nandiyan lang sa tabi mo. Pagdating mo sa France, feeling mo 'yung nakasalubong mo na pala. So ngayon handa na ako, at 'yun nga ay may mga tao na akong kinakausap na puwedeng tumulong. So sana ay mahanap ko."

Lumaki si Ejay kasama ang kanyang amain o stepfather na si Ernesto Falcon sa Mindoro. Labingtatlong-taong gulang siya nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa kanyang tunay na ama.

Sa kabila ng kanyang pagnanais na makilala ang tunay na ama, nangako naman ang aktor na hindi mawawala ang kanyang pagmamahal pagtulong sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang.

"Sila 'yung tumatayong ilaw at haligi ng tahanan," ani Ejay.

Sa ngayon ay abala si Ejay sa paparating na seryeng "The Promise of Forever" na magsisimula ngayong Setyembre 11 sa Kapamilya Gold kasama ang mga bidang sina Ritz Azul at Paulo Avelino.