'Walang Himala': Nora Aunor at Vilma Santos, kapwa 'Actress of the Year' | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'Walang Himala': Nora Aunor at Vilma Santos, kapwa 'Actress of the Year'

ABS-CBN News
Published Sep 04, 2017 09:44 PM PHT

Kapwa nagningning sina 'Superstar' Nora Aunor at 'Star for All
Seasons' Vilma Santos sa 33rd Philippine Movie Press Club (PMPC) Star Awards for Movies.

Iginawad kina Nora at Vilma ang 'Actress of the Year' award na pinakamataas na parangal na iginagawad sa nasabing okasyon.

Nanalo si Aunor para sa pelikulang "Kabisera" samantalang para sa pelikulang "Everything About Her" naman kinilala si Santos.

"Ang hinihingi ko lang sa ngayon ay makagawa pa ng mga pelikulang de kalidad nang sa gano'n ay maipakita pa rin sa kabataan natin na dapat tangkilikin nila ang mga pelikula na sariling atin," ani Aunor.

ADVERTISEMENT
"After five decades nandito pa rin kami ng kumare ko at binibigyan niyo pa rin ng recognition, we truly appreciate it," saad ni Santos.

Napag-usapan din ang posibilidad na muli silang magsama sa isang dream project.

Samantala, dalawang parangal naman ang tinanggap ni Daniel Padilla. Isa ang 'Best Actor' award para sa pelikulang "Barcelona: A Love Untold" at pangalawa ang 'love team of the year' ng tambalan nila ni Kathryn Bernardo.

"Nagpapasalamat ako sa recognition ng PMPC sa ginawa namin sa Barcelona... Heto na may ganito na akong award, so mas kailangan ko pang galingan ngayon," aniya.

'Best Supporting Actor' naman si Xian Lim para sa pelikulang "Everything About Her" at "New Movie Actor of the Year" naman si Joshua Garcia para sa "Vince & Kath & James".

Humakot din ng awards, kabilang ang 'Movie of the Year', ang pelikulang "Die Beautiful".

Panalo rin ang mga pelikulang "Pamilya Ordinaryo" at "Seklusyon".

Narito ang kompletong listahan ng mga nagwagi:

- Movie Actress of the Year - (tie) Nora Aunor para sa "Kabisera" at Vilma Santos para sa "Everything About Her"
- Movie Actor of the Year - Daniel Padilla para sa "Barcelona: A Love Untold"
- Movie Supporting Actor of The Year - Xian Lim para sa "Everything About Her"
- Movie Supporting Actress of the Year - Ana Capri para sa "Laut"
- New Movie Actor of the Year - Joshua Garcia para sa "Vince & Kath & James"
- New Movie Actress of The Year - Hasmine Killip para sa "Pamilya Ordinaryo
- Child Performer of the Year - Rhed Bustamante para sa "Seklusyon"
- Movie Director of the Year - Jun Robles Lana para sa "Die Beautiful"
- Movie of the Year - "Die Beautiful"
- Movie Story Scorer of the Year - "Everything About Her"
- Movie Sound Engineer of the Year - "Seklusyon"
- Movie Original Theme Song of the Year - "Imagine You and Me"
- Movie Production Designer of the Year - "Seklusyon"
- Movie Cinematographer of the Year - "Die Beautiful"
- Movie Editor of the Year - "Die Beautiful"
- Movie Screenwriter of the Year - "Die Beautiful"
- Indie Movie Director of the Year - "Eduardo Roy para sa "Pamilya Ordinaryo"
- Indie Movie of the Year - "Pamilya Ordinaryo"
- Indie Movie Theme Song of the Year - "Pauwi Na"
- Indie Movie Sound Engineer of the Year - "Kusina"
- Indie Movie Original Theme Song of The Year - "Panata"
- Indie Movie Production of the Year - "Hapis at Himagsik Ni Hermano Puli"
- Indie Movie Cinematographer of the Year - "Sakaling Di Makarating"
- Indie Movie Editor of The Year - "Pamilya Ordinaryo"
- Indie Movie Screenwriter of the Year - "Patay Na Si Hesus"
- Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod Ng Kamera - Joel Lamangan
- Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award - Pen Medina
- Darling of the Press - Luis Manzano
- Movie Love Team of the Year - 'KathNiel'

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
TV Patrol
PMPC
33rd PMPC Star Awards for Movies
Everything About Her
Kabisera
Nora Aunor
Vilma Santos
Daniel Padilla
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT