Bakit tumanggi noon si Ogie Diaz na maging manager ni Daniel Padilla? | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Bakit tumanggi noon si Ogie Diaz na maging manager ni Daniel Padilla?

ABS-CBN News
Published Aug 25, 2017 12:31 PM PHT

MANILA - Inamin ng komedyante at talent manager na si Ogie Diaz na tumanggi siya noon na hawakan ang karera ng aktor na si Daniel Padilla.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ni Ogie na pinili niyang hindi i-manage si Daniel dahil sa bagito pa siya sa pagiging talent manager.

"Ako, may ikukuwento ako sa inyong trivia. Alam niyo ba, may isang nanay na lumapit sa akin. [Sabi niya] 'I-manage mo naman itong anak ko.' Eh nagkakita kami sa bar, eh madilim 'yung bar, 'yung anak niya nandoon, kasama niya... 'Yung araw na 'yon, payat na payat ['yung bata]. Madilim, di ko masyadong namukhaan," kuwento niya. "So noong time na 'yon, sabi ko, 'sandali, mayroon akong mina-manage pa at gulong-gulo pa 'yung isip ko kasi hindi pa ako full-fledged na manager. Baka isipin mataas masyado ang expectation sa akin."

"So, noong nagkita kami ulit nung nanay, sabi sa akin, 'tingnan mo na, sabi ko sa iyo, hindi ba? Sa iyo ko inaalok ito, dapat ikaw ang manager ngayon niyan.' Sabi ko sa kanya, 'alam mo, mare, nakaguhit 'yan sa palad niya na siya ay sisikat kahit wala ako. Kung nandiyan ako, hindi ko rin alam kung ganoon pa din ba ka-intense ang kasikatan nung bata.' Yan ay si DJ, si Daniel Padilla," pagbubuking ni Ogie.
Ayon kay Ogie, wala siyang panghihinayang sa nangyari, dahil alam niyang yon ay "itinadhana" para sa aktor.

ADVERTISEMENT
"Hindi ako dapat manghinayang kung hindi sa akin nanggaling si DJ at sumikat ngayon si DJ. Hindi. Kasi wala naman akong in-effort sa bata... Ako ay natutuwa talaga kay DJ," ani Ogie.

Sa ngayon ay bida si Daniel ng sikat na seryeng "La Luna Sangre" kasama ang kanyang leading lady na si Kathryn Bernardo.