Kathryn at Daniel, ibinida ang ganda ng bagong pelikula | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kathryn at Daniel, ibinida ang ganda ng bagong pelikula

Jeff Fernando,
ABS-CBN News
Published Aug 19, 2016 12:19 PM PHT

Tinatapos na ngayon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang ilan pang mga eksena para sa inaabangan nilang pelikula na "Barcelona: A Love Untold."

Gaya ng nakaraan nilang mga pelikula na nag-hit sa takilya, kabado ang KathNiel sa bago nilang ihahain sa kanilang fans, kaya pinagbubutihan nila ang bawat eksena.

"Ang sigurado natin is pinapaganda natin ang movie natin lalo, and syempre, si Inang Olive hindi naman pwede ang basta-basta sa kanya," ani Daniel.

"Confident kami kung gaano kaganda ang material written by Inang. 'Yung material nito ang kailangan nilang abangan," dagdag ni Kathryn.

Kumpara sa nakaraang mga KathNiel projects, makikita na sa "Barcelona: A Love Untold" na nagma-mature na ang kanilang tandem sa big screen na bumagay sa edad at role nina Daniel at Kathryn.

"Kasi transition na ito from other movies namin ni Kathryn, transition na namin ito sa maturity at pagtanda namin," ani Daniel.

Mula sa pagsisimula ng pelikula hanggang sa maipalabas na ito sa mga sinehan, hiling nina Daniel at Kathryn na pumasa sa panlasa ng kanilang audience ang kanilang bagong proyekto.

"At the end of the day, ang gusto namin kapag napanood nila ay masasabi nila na worth it yung napanood," ani Kathryn.

Ipapalabas na ngayong September ang "Barcelona: A Love Untold" sa direksyon ni Olivia Lamasan.