CJ Ramos, nagpasalamat kay Coco Martin para sa 'second chance' | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
CJ Ramos, nagpasalamat kay Coco Martin para sa 'second chance'

ABS-CBN News
Published Aug 17, 2018 10:37 PM PHT

Matapos makapagpiyansa noong Agosto 9 dahil sa pagkakaaresto sa kasong droga, balik-showbiz na ang dating child star na si CJ Ramos.

Ginulat ni Ramos ang lahat nang mag-debut siya sa "Ang Probinsyano" nitong Huwebes.

Malaki ang pasasalamat ng dating child star sa bida na si Coco Martin nang bigyan siya ng parte sa nasabing palabas.

"Gusto kong magpasalamat sa industriya dahil tinanggap ako muli, si boss Coco binigyan niya ako ng ikalawang pagkakataon," aniya.

Mismong kay Martin tumatanggap ng direksiyon si Ramos sa pag-aarte.

Masaya si Martin na nakatulong siya sa pagbangon ni Ramos.

Bagama't bailable ang kaso ni Ramos dahil 0.7 gramo lang ng shabu ang nakuha sa kaniya, pinagpapasiyahan ng korte kung ipapa-rehab pa ang dating child star.

Nangako si Ramos na hindi na niya uulitin ang ginawa niya noon.

"Probation lang po sana ako kasi may trabaho ako, kahit i-service nila ako araw-araw magsawa sila, di na ko gagawa ng mali," aniya.

—Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog News
TV Patrol
CJ Ramos
Coco Martin
Star Patrol
celebrity
showbiz
Ang Probinsyano
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT