Daniel Padilla at Paul Salas, nagkainitan sa Twitter?

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2017 11:34 AM | Updated as of Aug 16 2017 08:16 PM

MANILA (UPDATED) -- "Ano? Sagot." 

Ito ang naging hamon ng aktor na si Daniel Padilla kay Paul Salas.

Hinamon ni Daniel si Paul na magharap sila sa isang basketball game match matapos lumabas ang tweet ni Paul tungkol sa naganap sa pagitan ni Daniel at aktor na si JC de Vera noong nakaraang Linggo sa Star Magic All-Star Game.


 

Nagbigay din ng reaksiyon ang mga kaibigan ni Daniel na sina Marco Gumabao, Patrick Sugui at Anjo Damiles sa Twitter.

Nang makita naman ni Daniel ang naging komento ng mga kaibigan ay nagtanong ang aktor kung seryoso ba ang mga ito. 

Sa huli, hinamon na ni Daniel si Paul nang direkta niyang i-tweet ang aktor.

Ito naman ang naging sagot ni Paul.

Sa gitna ng nangyayaring palitan ng tweets ng mga aktor, nag-tweet naman ang leading lady ni Daniel na si Kathryn Bernardo at ang kanyang ina na si Karla Estrada. 

Base sa ilang screenshots na nakuha ng Pep mula sa Facebook, lumalabas na pinagtawanan nina Paul at ng kanyang mga kaibigan si Daniel kaya ito nagalit. 

Tila ibinaba na ni Paul ang kanyang naging post sa Facebook tungkol dito. Nasa ilalim ang screenshot ng kanyang umano'y post. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.