May bago na bang nagpapatibok sa puso ni Angel?

ABS-CBN News

Posted at Aug 16 2016 01:32 AM

 

A video posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

MANILA -- Lunes ng madaling araw nang i-share ni Angel Locsin sa Instagram ang maikling clip mula sa music video ng kantang "Kapag Tumibok Ang Puso" ni Donna Cruz. 

Sa caption ng post, nagpakilala ang actress kay Cruz bilang isang fan. 

"Sorry, I just have to post this! 😂," dagdag niya.

Agad itong nakakuha ng samu't saring reaksyon mula sa kanyang mga followers. Marami ang napaisip kung may iba na bang nagpapatibok sa puso ni Locsin.  

Isa sa mga nag-comment ay si Cruz mismo na nagpasalamat pa kay Locsin. 

Agad namang sumagot si Locsin, at aminadong kinilig siya dahil napansin ng 90s hitmaker ang clip. 

Umalma naman si Cruz dahil tinawag siyang "miss" ni Locsin. Ani niya, tawagin nalang daw siyang "Ate." 

Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nila Locsin at ng TV host na si Luis Manzano. 

Ito ay nagdulot ng samu't saring bashing hindi lamang kay Manzano kundi pati na rin sa sexy star na si Jessy Mendiola na kasalukuyang dine-date nito. 

(Jessy sa bashers: I'm the sexiest woman right now

Nito lamang nakaraang linggo, binura na ni Locsin ang lahat ng mga larawan nila ni Manzano sa kanyang Instagram.