EXCLUSIVE: John Regala nakausap na ang biological son | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

EXCLUSIVE: John Regala nakausap na ang biological son

EXCLUSIVE: John Regala nakausap na ang biological son

MJ Felipe,

ABS-CBN News

 | 

Updated Aug 11, 2020 02:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Sa wakas, nakausap na rin ng action star na si John Regala ang kanyang anak na si John Paul Kieffer o John Regala Jr.

Nangyari ang pag-uusap ng dalawa via video call Linggo ng gabi sa Amerika at Lunes ng umaga dito sa Pilipinas.

Tumagal ng halos isang oras ang kanilang pag-uusap na magkahalong kumustahan, tuksuhan, tawanan at pangako na magkikita sila kapag nawala na ang panganib na hatid ng COVID-19.

Sa huling panayam namin sa ex-wife ni John na si Aurina Manansala Hunt, ikinuwento niyang mismong ang anak nila na ang naghanap ng passport niya at nagyaya na bumiyahe para makita ang ama, pero si John na ang pumigil at pinayuhan sila na hindi pa safe pumunta ng Pilipinas dahil sa patuloy na mataas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

ADVERTISEMENT

"I’m very happy that I am talking to you. Before I lose hope, my son never noticed me. But it is okay, as long as he is in good hands. But now I am proud of you, very very proud of you," pahayag ng action star.

Taong 2002 nang huling makasama ni John ang anak. Anim na taong gulang ito noon bago mag-migrate sa Amerika para makasama ang ina. Naunang pumunta ng Amerika si Aurina matapos pumanaw ang ama. Hiwalay na sila noong mga panahong iyon ni John at ngayon ay kasal na ulit sa iba si Aurina.

Pinasalamatan ni John ang ex-wife at kasalukuyang asawa nito sa pag-alaga sa kanyang panganay na anak.

"And I thank Mr. Hunt for taking care of you, for being a good boy. I thank him very much. I will do my part here, I will run so fast to make up to you," aniya.

"I thank your mom for taking care of you and have a good life there in America. I heard you are practicing medicine right now, continue that," dagdag pa niya.

Patuloy ang pagpapagaling at medication ni John sa National Kidney and Transplant Institute dahil sa tatlong karamdaman - liver cirrhosis, gout at diabetes.

May medication na siya para sa atay at na-drain na rin ang tubig na namuo dahil sa kanyang gout. Madalas mamilipit sa sakit si John kaya ngayong cleared na sa infection ang kanyang tuhod, nabibigyan na siya ng pain reliever at steroids.

Big boost sa kanyang recovery ang makausap ang anak.

"When I go to the hospital, you are my inspiration to be strong enough, you know and I will wait for you here. Okay?" sabi ni John sa anak.

Humingi rin ng tawad si John sa malayong distansya nila ng anak.

"If you think I forget you, no. I love you, because you are my only son. I’m sorry we’re apart. I didn't abandon you, I never abandon my children, I love you always remember that."

Looking forward na ang dalawa na ma-reunite soon at excited pa si John na turuan ng acting ang anak.

"I will teach you all the acting, good acting, not the stereotype actor, acting -- this is new acting. Kamukha mo nga ako," aniya.

Sagot ng anak: "Yeah, it’s in the blood."

Kuwento ni Aurina, willing pang mag-produce ng pelikula ang anak ng real life story ng kanyang ama. Siya ang gaganap sa title role at ang ama ang magdi-direk.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.