'Iba Yan': Drag Playhouse nakalikom ng pondo para sa LGBT community | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Iba Yan': Drag Playhouse nakalikom ng pondo para sa LGBT community

'Iba Yan': Drag Playhouse nakalikom ng pondo para sa LGBT community

ABS-CBN News

Clipboard

Noong nakaraang linggo, ipinakilala ng “Iba Yan” ang mga kwento ng mga drag artists mula sa Drag Playhouse Philippines.

Ikinuwento nila ang kanilang mga karanasan bilang miyembro ng LGBT community at kung paano sila naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Higit pa diyan, malugod nilang ibinahagi ang makulay nilang mundo kung saan ipinasilip nila ang lalim ng kanilang pagmamahal sa kanilang sining.

Sa pamamagitan ng ABS-CBN at ng “Iba Yan,” idinaos din nila ang “Kinang: An Online Celebration of Philippine Drag.”

ADVERTISEMENT

Sa pinakahuling episode ng “Iba Yan” ngayong Linggo, ibinahagi ni Angel Locsin kung ano ang naging epekto ng kanilang pagbabayanihan.

Ayon kay Locsin, kumita ang “Kinang” ng halos P300,000 mula Agosto 2 hanggang Agosto 6, at patuloy pa rin itong lumilikom ng donasyon hanggang ngayon.

Ayon kay Jan Lamban ng Drag Playhouse Philippines, malaki ang maitutulong nito sa LGBT community at sa iba pang mga nawalan din ng trabaho sa mga establisimyento kung saan sila dati nagtatanghal.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.