'Badjao Girl,' isa sa mga teen housemates ng 'PBB' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Badjao Girl,' isa sa mga teen housemates ng 'PBB'

'Badjao Girl,' isa sa mga teen housemates ng 'PBB'

MJ Felipe,

ABS-CBN News

Clipboard

Rita Gabiola may be one step closer to her dream of becoming an actress. Photo from the Facebook page of Topher Quinto Burgos

MANILA - Naaalala ninyo pa ba si "Badjao Girl"? Ang batang babae sa mga larawang kumalat sa social media at pumukaw sa netizens dahil sa kanyang natural na ganda.

Siya si Rita Gabiola. Mula Zamboanga, nagpalipat-lipat ang kanilang pamilya ng matitirahan dahil sa hirap ng buhay hanggang mapadpad sa Lucena, Quezon.

Nanonood siya ng prusisyon noon nang makunan ng litrato ng isang photographer. Kuwento ni Gabiola, malaki na ang nabago sa kanilang buhay matapos maging-viral ang kaniyang larawan.

"Sobrang maayos na po ang buhay namin. Hindi na po kami naghihirap," aniya. "Nakakakain na po kami. Hindi na po kami namamalimos.

ADVERTISEMENT

Hindi inakala ni Gabiola na sa simpleng litrato ay mag-iiba ang kanyang kapalaran. Pero mas hindi niya inasahang mapapasama sa

"Pinoy Big Brother" matapos niyang tiyagain ang pila sa audition. Ani ni Gabiola, pangarap niyang mag-artista.

Isa pang viral sensation ang makakasama ni Gabiola sa loob ng Bahay ni Kuya. Masipag mag-aral, mahilig maglaro at nahuhumaling sa sports kaya minsang binabansagang "one of the boys" si Kristine Hammond.

"Parang mas totoo po kasi ang mga lalaki po and may pagka-boyish din po kasi ako," aniya.

Pero nabago ang kanyang "typical" na buhay nang maging "one of the prettiest" sa social media at pagpiyestahan ng mga netizens ang kanyang ganda.

"May nag-post po kasi ng photo ko habang nagtitinda po ako ng palamig sa palengke ng Talisay. For fun lang po 'yung pagtitinda ko tapos 'yung mga customers, nagpa-picture na po sa akin," paliwanag ni Hammond.

Nabago at naimpluwensiyahan ng social media ang kanilang buhay sa murang edad. Pero mas masusubok ang kanilang tatag at kakayahang makisama sa iba: ang pagpasok nila sa Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.