Marco Masa, naiyak nang magbigay ng mensahe sa kapatid | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Marco Masa, naiyak nang magbigay ng mensahe sa kapatid

Marco Masa, naiyak nang magbigay ng mensahe sa kapatid

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Nakilala si Marco Masa sa 2015 serye na "Nathaniel" bilang isang anghel na bumaba sa langit para sa isang misyon.

Pero sa tunay na buhay, tila siya ang may isang anghel na laging gumagabay sa kanya -- ang kanyang kapatid na may Down syndrome.

Kaya naman hindi napigilan ng batang aktor ang maiyak sa pagbibigay ng mensahe para sa kanyang Kuya Justine sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

"Sobrang maalaga po siya. Halimbawa, si Papa may pinuntahan saglit o si Mama may ginagawa, siya po 'yung nagpapatulog sa akin. Siya po ang nagyaya sa akin kapag kakain na," kuwento ni Marco.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ina ni Marco na si Sol, ang makitang buo silang pamilya ang ikinasasaya ng kuya ni Marco.

Hindi naman napigilan ng batang aktor ang umiyak nang hingin ang mensahe para sa kapatid.

"Thank you kuya sa pag-aalaga mo sa akin kahit ganyan ka. Lagi mo akong ginagabayan tuwing may problema ako, lagi kang nandiyan sa tabi ko. Thank you," ani Marco habang umiiyak.

Hiling naman ni Marco para sa kanyang kaarawan ay ang magandang kalusugan at mahabang buhay para sa kanyang mga magulang at kuya.

Sa ngayon ay parte si Marco ng "Your Face Sounds Familiar Kids 2018" at "Goin' Bulilit."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.