Aljur Abrenica, isa nang Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Jul 31 2017 06:33 PM | Updated as of Jul 31 2017 10:41 PM

MANILA -- Ilang linggo matapos siyang makita sa ABS-CBN compound, ganap na ngayong Kapamilya ang aktor na si Aljur Abrenica. 

Nitong Lunes, Hulyo 31, muling binisita ng aktor ang mga ABS-CBN bosses na sina head of TV production Laurenti Dyogi, Dreamscape production head Deo Endrinal at ABS-CBN chief operating officer Cory Vidanes. 

 

A post shared by Eric John Salut (@ericjohnsalut) on

Ayon sa source ng ABS-CBN News, nakalatag na ang ilang proyekto kay Aljur na dating aktor ng GMA-7.

Magsisimula na din ang kanyang mga appearance sa iba't ibang programa ng Kapamilya network.

Nagsimula si Aljur sa show business bilang parte ng "StarStruck" noong 2006. Nagtapos ang 5 taon na kontrata ni Aljur sa kalabang istasyon nito lamang Marso.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.