Maine Mendoza, sasabak sa aksyon kasama si Coco Martin | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Maine Mendoza, sasabak sa aksyon kasama si Coco Martin

Kiko Escuadro,
ABS-CBN News
Published Jul 30, 2018 12:33 PM PHT

Todo paghahanda na ngayon ang social media star at TV personality na si Maine Mendoza para sa pelikula niya kasama sina Coco Martin at Vic Sotto -- ang “Jak Em Popoy, The Pulis Credibles” na entry sa 2018 Metro Manila Film Festival (MMFF).

“Kaka-start ko lang po ng firing lessons. Okay naman po, gusto ko din po kasi ma-try,” kuwento ni Maine sa naganap na story conference ng MMFF movie nitong Sabado.

Aniya, ito ang unang beses na sasabak siya action scenes.

“First time ko gumawa ng action movie or action project, so nag-start na ako ng firing lessons and nag wo-work out na din ako... sa panaginip. (Tawa) Hindi pa naman kailangan, pero magsisimula na ako,” aniya.

ADVERTISEMENT
Ayon kay Maine, kailangan siya maghanda para sa maaksyon na stunts kung kinakailangan.

“Titignan natin kung kakayanin ng katawan, ng powers di ba? Pero sabi nga ni Bossing (Vic), ‘You have to be fit,’” pahayag pa niya.

Nagpasalamat din si Maine sa tiwala sa kanya ni Vic dahil sa pagpili sa kanya nito para mapasama sa MMFF movie.

"Iniisip ko kung deserve ko ba makasama ang dalawang batikang aktor talaga,"sabi pa ni Maine.

Mapapanood ang “Jak Em Popoy The Pulis Credibles” ngayong December 25, sa direksyon ni Rodel Nacianceno.