Sharon kinanta ang theme song ng seryeng 'Greatest Love' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sharon kinanta ang theme song ng seryeng 'Greatest Love'

Sharon kinanta ang theme song ng seryeng 'Greatest Love'

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA - Umani ng positibong atensyon ang pagbabalik recording ng Megastar na si Sharon Cuneta. Ang sarili niyang bersyon ng sikat na kantang “The Greatest Love of All” ang gagamitin sa inaabangang teleserye na “The Greatest Love.”

Tatalakayin ng serye ang istorya ng isang ina at ang walang katapusang pagmamahal niya sa kanyang mga anak.

Naibahagi nina Andi Eigenmann at Dimples Romana, na kapwa maagang nagkaanak, ang naging pagbabago sa kanilang buhay ng maging nanay na sila.

“Every time we are into something, lahat tayo iniisip kung ano ang mararamdaman ng mga magulang natin sa ginagawa natin. Sumakit po talaga ang ulo ng nanay ko sa akin at wala na kasi si papa noon,” ani Dimples.

ADVERTISEMENT

“One thing that I’m really thankful looking back is that I have a mom to take care of me and support me in everything and the rest of the family na ginabayan po ako,” dagdag naman ni Andi.

Si Matt Evans na aminadong pasaway noong kabataan niya, nagsimulang magkaroon ng direksyon at plano sa buhay ng magsimula ng sarili niyang pamilya.

“Dati nga po ang na i-tag sa akin ng sumali ako ng PBB Teens is ‘happy go lucky.’ Nagbago lang talaga ang lahat ng nakilala ko ang wife ko, ikinasal kami at nagka-baby,” sabi ni Matt.

Big break ng aktres na si Sylvia Sanchez ang kanyang role sa “The Greatest Love.” Hindi niya raw inaasahan na sa kanyang edad ay bibida pa siya sa isang malaki gaya nito.

“Parang until now hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na ako ang bida. Lagi ko sinasabi sa kanila na atin ito, pamilya ito walang bida dito kundi tayo lahat.”

Malapit ng mapanood ang “The Greatest Love” na inaasahang tututukan ng manonood dahil sa mensahe nitong mahalin ang mga magulang at pahalagahan ang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.