Ria Atayde, nagsalita sa pagkakaugnay kay Piolo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ria Atayde, nagsalita sa pagkakaugnay kay Piolo

Ria Atayde, nagsalita sa pagkakaugnay kay Piolo

ABS-CBN News

Clipboard

Ria Atayde and Piolo Pascual. Photos from @riaatayde @piolo_pascual on Instagram

MANILA - Nilinaw ng aktres na si Ria Atayde ang isyung nag-uugnay sa kanya at sa aktor na si Piolo Pascual.

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, iginiit ni Ria na hindi niya alam kung saan nag-ugat ang isyu.

Aniya, mabuting magkaibigan sila ni Piolo.

"Hindi ko nga alam, si Kuya Piolo naman 'yon, hello? Wala lang 'yon," ani Ria.

ADVERTISEMENT

Matatandaang naging usap-usapan noong nakaraang buwan ang paghahawak-kamay nina Ria at Piolo sa "ASAP."

"Sobrang close naman talaga kami, hindi lang alam ng tao 'yon," ani Ria na iginiit na walang dahilan ang nangyari sa kanila sa "ASAP."

"Ang tawag niya sa akin, 'my Angel.' [Siya], my Kuya. So, my Kuya, my Angel, ganoon," paliwanag niya.

Sa nakaraang panayam, inamin ni Ria ang paghanga sa ilang Kapamilya actors kabilang na sina Piolo at John Lloyd Cruz.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.