PANOORIN: Kathryn Bernardo, sumabak sa aksyon sa 'La Luna Sangre' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PANOORIN: Kathryn Bernardo, sumabak sa aksyon sa 'La Luna Sangre'

PANOORIN: Kathryn Bernardo, sumabak sa aksyon sa 'La Luna Sangre'

ABS-CBN News

 | 

Updated Jul 13, 2017 02:14 AM PHT

Clipboard

Bagama't hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ng karakter ni Kathryn Bernardo sa "La Luna Sangre," umani naman siya ng papuri sa kanyang pagsabak sa aksyon Miyerkoles ng gabi.

Dahil naipit siya sa gitna ng gubat, kinailangan ni Malia (Bernardo) na ipagtanggol ang sarili laban sa mga bampira sa pamamagitan ng paggamit ng malakas na instincts at kakaibang bilis.

Noong una'y puro iwas at takas lamang si Malia. Pero nang may isang hiker na nalagay sa panganib, hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ito. Hinarap ni Malia ang limang bampira, na buong gabing sinuyod ang kagubatan sa paghahanap sa kanya.

Matapos ang pagharap sa mga bampira, napagpasyahan ni Malia na putulin ang kanyang buhok. Balak niyang ibahin ang kanyang hitsura para linlangin ang Supremo (Richard Gutierrez), at makapasok sa kampo ng mga bampira upang ipaghiganti ang kanyang pamilya.

ADVERTISEMENT

Tutukan ang susunod na kaganapan sa "La Luna Sangre" tuwing Lunes hanggang Biyernes ng gabi pagkatapos ng "Ang Probinsyano."

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.