Bakit nga ba nawala sa showbiz si Romnick Sarmenta? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bakit nga ba nawala sa showbiz si Romnick Sarmenta?

Bakit nga ba nawala sa showbiz si Romnick Sarmenta?

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 27, 2017 12:03 PM PHT

Clipboard

MANILA -- Matapos ang ilang taon, muling ginulat ni Romnick Sarmenta ang kanyang mga tagahanga sa pagbabalik niya sa Kapamilya network.

Muling ipinakita ni Romnick ang kanyang husay sa pag-arte sa pagiging parte niya sa unang linggo ng seryeng "La Luna Sangre."

Sa isang panayam sa "Magandang Buhay" nitong Martes, nagbalik tanaw si Romnick sa pagpasok niya sa mundo ng showbiz at ibinahagi din ang dahilan ng kanyang pagpapahinga sa industriyang kanyang minahal.

Ayon kay Romnick, ang mga anak nila ng asawang si Harlene Bautista ang dahilan kung bakit tila nagpahinga siya sa showbiz.

ADVERTISEMENT

"Kami kasi ni Harlene, ayaw kasi namin 'yung kapag may kailangan 'yung anak mo o may sakit or may masakit sa anak mo eh tumatakbo sa yaya. So nag-decide kami. Sabi namin konting panahon lang kasi 'yung mga bata. I mean lahat ng magulang maiisip ito, up to a certain time lalayo at lalayo sila sa iyo, magtatayo sila ng sariling pamilya and you only have a number of years para ma-enjoy mo 'yung company nila at ma-build mo 'yung character nila," paliwanag ni Romnick.

"So, doon na lang kami. Parang we can always have time for our own plans, pero 'yung mga bata na ipinagkatiwala sa amin ng Diyos kailangan nandoon tayo while they are growing up," ani Romnick.

Ayon kay Romnick, limang taon siya ng una silang magkakilala ni Harlene. Paglipas ng panahon, muli silang nagkita sa isang programa ng ABS-CBN.

Pagkatapos niyang ligawan at magkaroon ng relasyon ay nagkahiwalay din sila ni Harlene dahil sa trabaho.

Paglipas ng 12 taon na hindi pag-uusap, muli silang nagkita at nagkapatawaran.

Pagkatapos ng ilang buwan mula ng sila ay magkabalikan, pinakasalan ni Romnick si Harlene noong 2000.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.