Kuya Jobert, humingi ng tawad sa totoong ina | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Kuya Jobert, humingi ng tawad sa totoong ina

ABS-CBN News
Published Jun 25, 2018 12:00 PM PHT

MANILA -- Hindi napigilan ng komedyanteng si Jobert Austria ang maging emosyonal nang aminin niya na isa siyang ampon.

Sa "Magandang Buhay" nitong Lunes, ibinahagi ni Jobert na may asawa na siya nang malaman ang katotohanan.

Aniya, hindi rin naging maganda ang pagtanggap niya sa totoong ina noong makita ito sa unang pagkakataon.

"Nagalit ako, nainis ako. Bakit ako ipinamigay?" kuwento ni Jobert. "Saka medyo nagtampo ako sa umampon sa akin bakit 'di nila agad sinabi. Kailangan malaman ko pa sa iba."

"Kaya hindi ko talaga gusto makita ang totoong nanay ko at nagtampo ako sa kanya. Isang beses pumunta 'yon (ang totoo kong nanay) sa bahay namin. Sabi ng Mama ko ('yung umampon sa akin) may bisita ka sa baba. Pagbaba ko, nakita ko siya (totoo kong ina) umiiyak. Sabi ko, 'Sino ka?' 'Yan ang totoong nanay mo,' sabi ng mama ko (umampon sa akin). 'Hindi ko na po kailangan ng nanay ngayon matanda na ako, ngayon lang kayo dumating.' Tapos iniwan ko siya umiiyak," aniya.

Ayon kay Jobert, kahirapan ang dahilan ng ina kung bakit siya nito ipinaampon.

Matapos ang mahabang panahon, sinabi ni Jobert, napatawad rin niya ang kanyang ina na gusto niya muling makita.

"Pero siyempre noong itinakwil ko siya, nasaktan din siguro kaya ngayong artista na ako, hindi niya magawang lumapit sa akin. Kung nanonood siya ngayon, sorry," ani Jobert na huling nabalitaan sa mga kamag-anak na may sakit na ang totoong ina.

"Hindi ko rin gustong mamatay na hindi kami nagkakausap ng kaunti. Pero hindi ko nga alam kung buhay pa siya. Pero wala na (ang galit).