Richard Gutierrez, Sarah Lahbati engaged na? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati engaged na?

Richard Gutierrez, Sarah Lahbati engaged na?

Jeff Fernando,

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Hawak ang isang bouquet of roses, sorpresang dumating si Richard ​Gutierrez ​sa premiere ​night​ ng pelikula ni Sarah Lahbati ​na "Ang Pagsanib kay Leah Dela Cruz."

Sinalubong si Sarah ng mahigpit na yakap mula kay Richard.

​Magkasabay ang premiere night at pilot episode ng "La Luna Sangre," kaya double celebration ito para sa kanila.​

"Sabi ko, it's okay, it's both our big night and I'm very happy for him. Sabi ko na lang he needs to watch it because he's part of it and he plays a big role and I just need to focus on my movie and watch 'La Luna' later online. Tapos kanina pinaguusapan namin kung bakit wala si Richard dito. Sabi ko, nanonood siya with the entire family, nag-order sila ng food," ani Sarah.

ADVERTISEMENT

​Hirap si Richard na i-sorpresa si Sarah dahil madali daw siyang mabisto nito.

"Ang alam niya ay nagaayos ako ng gamit sa bahay. Bihira ko kasi siya ma-surprise kapag may surprise ako ay alam na niya," ani Richard.

​Proud si Richard sa partner dahil alam niyang pinaghirapan ni Sarah ang kanyang pelikula.

"I'm very proud of her. I know how passionate she is. I know how hard she work for this film," ani Richard.

​At sa gitna ng kasiyahan, ​​m​arami ang nakapansin sa suot na singsing ni Sarah​.

Ang tanong ng press, ito na kaya ang kanilang engagement ring?

"Medyo matagal na iyan. Ewan ko bakit ngayon niyo lang napuna," ani Richard.

Matagal nang ibinigay ni Richard ang promise ring kay Sarah,​ ​pero kailan na kaya ang kanilang kasal?​

"Abang-abangan natin ang mga susunod na kabanata," ani Richard.

​Mas titindi pa ang mga tagpo mamayang gabi sa "La Luna Sangre."

Read More:

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.