Cardo, nag-'beast mode' matapos ma-kidnap ang anak

ABS-CBN News

Posted at Jun 20 2017 04:07 AM | Updated as of Jun 20 2017 05:53 AM

Mapayapa na ang buhay ni Cardo (Coco Martin) matapos siyang magretiro sa pagkapulis. Pero nang ma-kidnap ang kanyang anak na si Ricky Boy o Ricardo Dalisay, Jr., tila nag-beast mode ang bida ng "Ang Probinsyano." 

Nangyari ang pag-kidnap habang namamasyal ang mag-ama sa isang carnival. 

Matao at siksikan, kaya nang may mag-umpisang away, agad na rumisponde si Cardo upang awatin ang mag-asawang nagsasapakan. 

Nalingat lang ng kaunti si Cardo, agad na tinangay ng mga kidnaper ang walang muwang na anak niya. Walang kamalay-malay si Cardo na naitakbo na ng mga kidnaper ang kanyang anak, at plano nilang ibenta sa isang mayamang pamilya. 

"Sisingilin ko ng higit-higit pa ang mga taong gumawa sa 'yo nito," bulong ni Cardo. 

Tutukan ang mga susunod na eksena sa "Ang Probinsyano," pagkatapos ng "TV Patrol." 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.