Nadine Lustre, balik-pelikula sa 'Ulan' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Nadine Lustre, balik-pelikula sa 'Ulan'

Nadine Lustre, balik-pelikula sa 'Ulan'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Masayang inanunsiyo nitong Biyernes ng aktres na si Nadine Lustre na muli siyang bibida sa isang pelikula.

Ani Lustre, tuloy na ang pelikulang "Ulan" na kaniyang pangungunahan sa direksyon ni Irene Villamor.

Iikot aniya ang kabuuan ng pelikula sa paghahanap at tuluyang pagtanggap sa sarili.

"I'm really excited [because] it's about finding yourself, learning to accept yourself, self love is what I stand for now," ani Lustre.

ADVERTISEMENT

Hindi makakapareha ni Lustre ang nobyong si James Reid dahil maitatambal ang aktres sa bagong aktor.

Naging matagumpay ang nakaraang pelikula ni Lustre na tumabo nang milyon-milyon sa takilya.

Mensahe sa ama

Ibinahagi rin ng aktres ang kaniyang mensahe para sa tatay na si Ulysses Lustre para sa nalalapit na Father's Day.

Nagpapasalamat ang aktres sa kaniyang ama na naging matibay na sandigan aniya sa likod ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya kabilang ang pagpanaw noong nakaraang taon ng nakababatang kapatid.

"He is the strongest person, he is my anchor, and [in] our family [siya ang] humahawak sa amin para hindi kami mag-give up," ani Lustre.

"We went through so much last year but he kept us together, nagpapatawa sa amin, he is amazing," dagdag ng aktres.

Bukod sa pelikula, nakatutok din si Lustre sa pagdidirek ng bagong music video tampok ang mga bagong talent.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.