Dating sexy star Via Veloso, napaluha dahil kay Karla | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Dating sexy star Via Veloso, napaluha dahil kay Karla

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2017 01:34 PM PHT

MANILA - Hindi napigilan ng dating sexy star na si Via Veloso ang mapaluha nang magpasalamat siya sa aktres na si Karla Estrada.

Sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes, inamin ni Via na naiba ang kanilang buhay mag-ina dahil sa kanyang pinsang si Karla at sa pamilya nito.

"Para ko na siyang nanay, kasi dalawa na lang kami ng anak ko," ani Via.

"Mahirap 'yung dalawa lang [kayo], di ba? Wala kayong mapuntahan, lalo na kapag may special occasion. Tapos kapag nasa bahay kami nila sobrang saya kasi ang dami nila. 'Yung mga anak ko ay nagkaroon ng kalaro, nagkaroon ng pinsan. So talagang happy kami ng anak ko. Kasi kung hindi namin siya [nakasama], wala, boring talaga ang life namin," paliwanag niya.

Si Via na kilala sa kanyang mga pelikulang tulad ng "Isla" at "Hiling" ay nagpahinga sa showbiz matapos na magkaroon ng cancer ang kanyang ina.

"Ang mama ko kasi nagkasakit, stage 4 breast cancer. Ako nag-alaga. Tapos noong namatay, unti-unti, nagpa-handle ako kay Mama Ogie (Diaz). Ngayon tinulungan din ako ni ate Karla kahit paano na makabalik sa showbiz," ani Via.

"Super thankful talaga ako. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakabalik [sa trabaho]. At talagang generous siya. Nakakaramdam siya," dagdag niya patungkol kay Karla.

Ayon kay Via, masaya siya ngayon bilang single mother sa kanyang anak na si Jacob.
Parte ngayon si Via ng sikat na seryeng "A Love To Last."